KULAY LILA ANG GABI NA BINUDBURAN PA NG MGA BITUIN

Similar documents
O YUNG MGA LAGING NASA BYAHE DYAN AT LAGING INAABUTAN NG TRAFFIC AT TINAMAAN PA NG MATINDING GUTOM.

PROMISE? Denise Dealo

Tumakbo na ako papuntang room nagmamadali na ao ng may mabangga akong babae.

<- Watch this video now. [Page 1 of 60]

The Gorgeous Princess Met The Hottie Prince By KrixZeroEight

Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa Tagalog naman eh PAG-HANGA. Pag-hanga sa isang

I Met A Ghost. by MayGoddess

Gago pare. Ma-iinlove ka na lang, sa litrato pa! Daming chikas dyan oh! sabay turo sa mga bago naming classmates

The rain was pouring when I saw her standing in the middle of the busy street, looking kinda lost..

*Disclaimer Copyright 2013 by Filipina Wattpad. All rights reserved worldwide.

Heads o tails? Mmm Heads! Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo. Sige!

Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

-A collection of One Shot Stories- By: ThaliaDelmoro (akoctalyaxd)

ŀanong gagawin mo kung may makilala kang hot chick? Syempre matutuwa ka. Eh paano kung baliw at kakaiba ang trip niya sa buhay? Aba! Tumakas ka na!

Wanted: SomeoneTo Love by idangs

He Said I m The Perfect Princess. Sparkloon

You Are My First Romance

"LIAN! Para ka naman matanda kung magbuntong hininga dyan"

The School Player This was the very first page, not where the storyline ends.

She's My Personal Slave. ** prologue ** For me? Love is everything, without it life is incomplete. Love is unexplainable..

Love? Tss. I don t care bout that. Mas priority ko pa ang friendship. Ayokong may nas isirang pagkakaibigan dahil sa love love na yan.

548 Heartbeats By peachxvision

They re rich, they re famous, they re glamorous and most of all everything they ve wante d nakukuha nila ng walang kahirap-hirap.

IDIOT! From Jun Haha kala ko ba Palitan mo sim mo? Nice Kahit naman Palitan mo Mahahanap pa din kita To Jun STALKER!!!! I think he's enjoying this TT_

Love Tutorial. purpleyhan 2012 Ann L. Characters: Venice Liann Damian Roelle James Morales Ziela Angeli Wilson Ivan Vorch Raya Casimiro

She's. My Personal Slave

PERFECT SHOT By: aril_daine

WARNING! THIS STORY CONTAINS MURAHAN AT SEXUAL CONTENT.

1.Choosy (Yung tipong matatagusan na siya at binigyan mo ng whisper tapos tinanggihan niya pa dahil ang gusto niya ay modess na with wings)

MAGAZINE. Kung manloloko ka, wag mo ng ituloy. Tandaan na ang mga babae kapag iniwan, gumaganda yan! at pag ang 'tanga' natuto.

TITLE: THE ARROGANT PRINCE *************** CONTENTS:

Meron akong 3 years boyfirend that i think perfect para sakin. but instead of passionate and full of love night i saw him banging my mom!.

ABSL Compilation Bago niyo nga pala basahin to, may mga paalala lang ako. Hindi ako romance writer. Gwapo ako. De joke lang. Trip trip lang tong

PAALALA.. ANG STORYANG ITO AY MAY PARTE NA DUDUMI SA UTAK NYO... PERO PWEDE NYO NG LAGPASAN :)

My Plate Malusog na Pagkain 1

How to Make Banana Cream Pie

SIMPLE, MURA AT MASUSTANSIYA. Araw-Arawin

Name: Katakana Workbook

Mr. Babcock s Invention

Accepting and refusing food politely with an example conversation

Extract from Earthquakes in London By Mike Bartlett

BEHIND THE WORDS. Written by. Richard Russell

THE MAGIC OF COFFEE. Written by. Dan Walker

Crock Pot Beef Tips and Gravy

Part B. Read the prompts and write a sentence with an appositive that describes...

Understanding Singaporeans. Why Do the Chinese Shout Yam Seng?

Honey Barbecue Bacon Meatballs

Read & Download (PDF Kindle) Waffles: From Morning To Midnight

Other titles in the Pong Family Series: My Friend Stinky. Also available for free download from

Cajun Quick (1992) La Meilleure de la Louisiane (1980) New American Light Cuisine (1988) La Cuisine Cajun (1990) Cajun Healthy (1994)

The Journey for Crack in Burma

Paddy McGinty's Goat

I ve never heard of that!

Slow Cooker Pork Tacos

INSIDE PARTY GUIDE. AL596 AUG10

IMAGINE IOT PROTOTYPE CHALLENGE

CHRISTMAS FUNCTION PACK PRIVATE HIRE AVAILABLE. P E R FECT for

Breakfast and Lunch. Programs. Field Trips

NORTH KOREA POLAROIDS ERIC LAFFORGUE

PORK BELLY. Written by. Rhys Hicks

ESL Podcast 441 Preparing Food for Cooking

The specialty coffee, Kopi luwak, is made from coffee beans which have already passed through an animal s digestive system. But which animal?

Read & Download (PDF Kindle) Azorean Cooking; From My Table To Yours

JETSET LEVEL 4 READING TEST SAMPLE PAPER JET VERSION TIME ALLOWED 80 MINUTES

WORD CHECK UP. Patios. Barista. Purchase

Doña Petrona Making Sweet Christmas Bread Transcription, December 16, 2013 Rebekah E. Pite, Lafayette College,

(N) CONTAINS TRACES OF NUTS (V) SUITABLE FOR VEGETARIANS (GF) GLUTEN FREE (S) SPICY PLEASE NOTE: A 10% SERVICE CHARGE APPLIES TO TABLES OF 6 OR OVER.

Mr. Food's Comida Rápida Y Fácil Para Persons Con Diabetes (Spanish Edition) By Art Ginsburg READ ONLINE

Plating. professionals

Creamy Italian Dressing

Language Book samples

How to Be a Coffee Drinker in the US. Phrases for Ordering

Breakfast and Lunch. Programs. Field Trips

Hosted by SENC. Dear Newf Lovers,

Makeover Portfolio. Winter Created by FD Amy Parnell and SSD Mary Piatt

THE WORLD S STRONGEST COFFEE

7 TIPS TO MAKE A SIMPLE REAL FOOD DINNER in twenty minutes

CONFERENCE AT DJURGÅRDSBRUNN

Dinner with the Dean of Southern Cuisine

Maybe Just a Bite by Justin Jackson

Mababasa at Maisusulat mo rin ang Maguindanaon

( BY DAWN GARCIA ( / NOVEMBER 25, 2016 AN INCREDIBLE WINE RESORT IN PASO

THRILL TO CHILL Sydney Bucks Party Package - Jet Boating and Diner

Beef and Veggie Macaroni

Step up your skills with a pro

Podcast 82 - The Lamington

WE COULDN T MAKE CHOCOLATE WITHOUT MONKEYS

MOBILE APP PROPOSAL. by Michael Cowley. October 2015 DGM Trudy Christensen

MODERN VISION DESIGNER VIKKI LEFTWICH BRINGS A FRESH AESTHETIC TO FOLSOM. by KERRIE KENNEDY / photography ALISON GOOTEE.

No part of this publication may be copied by whatever means without the prior permission of the copyright owner

Under The Tuscan Sun (Chinese Edition) By Frances Mayes READ ONLINE

Day Four! I hope you are doing great after three days of juicing. Congratulations!

BEN WILSON SENIOR CENTER Page 1 FEATURES / AMENITIES BANQUET HALL / DINING ROOM. A canopy covers the front entrance from the curb to the door.

EatVegetables! The Nutritionist s Advice

Crockpot Honey Mustard Chicken. Dana Carvell (3BoysUnprocessed)

Five Minute Independent Living Skills (ILS)

"Pictures, Thoughts and Goals 2017"

TOUCH IOT WITH SAP LEONARDO

Name: Monitor Comprehension. The Big Interview

How Long Does It Take To Cook Frozen Burgers On A George Foreman Grill

Transcription:

KULAY LILA ANG GABI NA BINUDBURAN PA NG MGA BITUIN 1

SYNOPSIS: Bagama t solid pa sina Aries at Chai, sadyang marami silang pinagtatalunan, maliit man o masalimuot, idagdag pa na pareho silang maanghang at derecho kung magsalita. Sabong kung sabong ang drama nila sa tuwina. Gusto na nilang magkabeybi, pero aminado silang may mga saltik sa kanilang pagsasama na dapat munang resolbahin partikular ang matinding pagseselos sa mga dating nakarelasyon. Gayunpaman ay desidido ang mag-asawa, kaya t nagkasundo silang sumailalim sa isang experimental na couples retreat program. Nag-check in ang mag-asawa sa isang retreat house na yari sa dalawang pinagsugpong na shipping containers. Nakatayo ito sa gitna ng madamong kapatagan. Aprubado kay Chai ang bahay at lokasyon, na di naman masyadong pinaboran ni mister. Do-it-yourself ang sistema sa retreat. Silang dalawa lamang ang titira sa bahay at walang marriage counsellor o sinumang puwedeng mamagitan. May tatlong araw at dalawang gabi sila para isaayos ang kanilang pagsasama, kung paano man, kung hanggang saan man aabot -- dahil sa mundong kanilang pagliliwaliwan, ang mga posibilidad ay kasinglayo ng kanilang libog, pagpapakatotoo at imahinasyon. 2

MGA KARAKTER: Chai at Aries, husband and wife, parehong late 20 s Tonyo, late 20 s, ex ni Chai Giselle, late 20 s, pinapantasya ni Aries INT. CAR. DAY Open sa black. Mauulinigan ang bulungan ng mag-asawa. Pumikit ka lang. Paggising mo, nandun na tayo Gaano katagal ako pipikit? Saglit lang Gaano katagal ang saglit mo? Singbilis ng kurap 3

Kung kasingbilis ng kurap, eh hindi pikit ang tawag dun Pwes, kasingbilis ng pinakamabagal na kurap! Ilang segundo? Tatlo? Dalawa? Isang segundo? Kasingbilis ng bibig mo? A beat. Mas mabilis pa. Kasingbilis ng premature ejaculation mo, gago Ilang saglit na katahimikan. Fade in sa ECU ni, mula sa pagmulat ng kanyang mga mata. Bababad sa kanya. Gagalaw ang kanyang mata at pagmamasdan ang paligid. Pull-out ang camera sa 2- shot MS ni Chai at. Makikitang nakasakay sila sa oto. Nasa driver s seat si Chai. Nakatigil ang oto. Kapansin-pansin ang blue at white streak sa maikling buhok ni Chai. 4

EXT. HOUSE SA PRAIRIE. CONT. Nakaparada ang oto. Ilang saglit pa, bababa mula dito si Chai, lalakad kasabay ng pagpanning ng camera sa kabuoan ng bahay. Katamtaman lang ang laki nito, yari sa 2 sugpong-sugpong na shipping container. Pulido at minimalist ang pagkakayari. Kulay berde ang buong bahay. Nakatayo ito sa gitna ng hawan na lote at tinabas na damuhan. CU kay Chai, habang papalapit sa porch ng bahay. Sa gawing pinto, makikitang nakasabit ang susi at munting palawit kung saan naka-impress ang UNIT 0110. Kukunin ito ni Chai. Di agad sya papasok, pagmamasdan muna nya ang harapan ng bahay. Tatawag ng pansin nya ang chime na gawa sa mumunting figurines, na banayad ang pagsayaw sa hangin. Mapapangiti nito si Chai. Lilinga sya sa paligid at magmumuni-muni. Kapagdaka y isang tinig ang babasag dito. (OS) Eto na yon?! Nasan ang caretaker? Paling kay Aries. Ibinababa nito ang 2 maleta mula sa likod ng oto. Mapapansing magkapareho ang 2 maleta. Iniwan lang ang susi? 5

Di sasagot si Chai. Bubuksan nya ang pinto at agad papasok sa loob. Hihilahin ni Aries ang kambal na maletang de-gulong. Iiling-iling ito sa di pagtugon ng asawa. Titigil sya sa porch. Susuriin din nya ang paligid. Mahahalatang di nya gusto ang lokasyon, maging ang bahay. Babalik si Aries sa oto. Maiiwan ang maleta sa porch. Lalabas si Chai. Kukunin nya ang isang maleta. Bubuhatin ni Aries ang cooler mula sa trunk ng oto. Mapapamura ito sa bigat. Mula oto, hanggang porch ay bubulong-bulong si Aries ng malulutong na mura sa ingles, tagalog at kombinasyon. Pagsapit sa porch, ibabalandra nya ang cooler. Bubukas ang pinto at sisilip si Chai. Di ganyan ang pagsira, Aries. Palakulin mo. Mabigat kaya! Tatlong araw na pagkain, syempre mabigat! 6

Isasara ni Chai ang pinto. Uupo si Aries sa cooler. Kunsumido. (Pabulyaw) Wala bang room service dito!? Kaya nga bakasyon eh. Relaksrelaks lang di ba? Katahimikan lang sasagot kay Aries. Tatayo si Aries. Bubuksan ang pinto. Naka-lock ito. Kakatok. Walang sasagot. Chai, ang pinto! Chai, naka-lock ang pinto! Kakatok ng malakas si Aries. Bubukas ang pinto. Di naman naka-lock a! Bakit ko naman ila-lock?! At bakit naman ako kakatok kung di naka-lock?! Ibubukas ni Chai ang pinto nang sagad-sagaran. 7

O, ayan, bukas na bukas na! Please come in Papasok si Aries. Mapapansin ni Chai ang mga gamit sa porch. Ako pa ba magpapasok nito? (OS) Pinatuloy mo ko e. Kala ko ikaw na magbubuhat. Di na iimik si Chai. Sa halip, sya naman ang lalabas. Isasara ang pinto. Uupo sa bench. Titingin sa malayo, sabay bubuntung-hininga nang pagkalalim-lalim. Pipikit at pilit dadamhin ang hangin. Mananatili sya sa ganung estado. Matagal at nanamnamin ang katahimikan. Sa sandaling ito, magiging kapansin-pansin at kaiga-igaya ang banayad na kalansing ng chime. Biglang may kakatok sa pinto. Magigitla si Chai. (OS, UNDER) Chai, buksan mo pinto! Na-lock ako sa loob! Potah naman, o! 8

CU ni Chai. Muling syang pipikit sa labis na pagka-inis. Cut to black. EXT. HOUSE. CONT. Long shot ng bahay. Nakasakay si Chai sa swing na kalapit ng bahay. Bahagya lamang ang pagduyan nya dito. Nasa bubongan si Aries, habang sumisilip sa teleskopyong nakatutok sa itaas. Maliwanag pa ang langit ngunit sumisilay na ang mga bituin. INT. HOUSE SA PRAIRIE. CONT. Cut to cut sa mga parte ng interior. Dominante ang kulay abuhin sa kisame at dingding. Puti ang ibang bahagi. Makipot ang bintana. Kakaunti lamang ang furniture na simple din ang tabas at flat ang kulay. Sofa. Lamesa. Lamesita. Stool. Kama. At pasundotsundot na mga aksentong gaya ng picture frame, book shelf at flower vase. Walang appliances maliban sa oven. Eentra si Chai. Huhugot ng isang libro sa shelf, sabay uupo sa sofa. Maghihintay, bubuklat-buklatin kunwari ang libro. Maya-maya pa y papasok si Aries buhat buhat ang teleskopyo. Ilalapag ito sa harapan ni Chai. Patuyang itututok nya ito kay Chai. Iirap si Chai. Sa POV ni Aries: 9

(OS) Chai cheese! Ganda ng profile! Isang tingin naman dyan slow mow! Imi-mimick ni Aries ang pagpitik ng camera. Beats. Alisin mo yan sa mukha ko at mag-usap na tayo (OS) Nakamangot ka na naman. Meron ka ba? Ikaw, bakit ang saya mo? Na-chupa ka ba? Ipapaling ni Aries ang lente. Uupo sya sa katabing silya, kaharap si Chai. Gagu 10

Mas gagu kang di hamak Titingin si Aries sa kisame. Bababad sya dun. Sa wari y umiiwas. Beats. Anu na, Ariston Restituto? Alin ang anu na, Elizabetchay Cantutay? Akmang ibabato ni Chai ang libro sa mukha ni Aries. Iilag si Aries. Di ito itutuloy ni Chai. Pag-usapan natin kung bakit tayo nandito! Kung bakit tayo nasa loob ng shipping container? Kung anong feeling ng isang claustrophobic na tulad ko? Aaktong animo y nagpa-panic attack si Aries. 11

Mapapayuko si Chai. Lalaylay ang kanyang balikat at mga braso sa labis na pagkadismaya at bilang pagsuko. Sabay sabi ng: Our marriage, Aries. Ang relasyon natin bilang magasawa nagkasundo tayo na magbebeybi na tayo this year, di ba? Oo nga Kung ganon, umayos muna tayong dalawa. We seriously need to clean up our shit. Kung gusto mo ng anak, matinong magulang muna Eto na nga eh. Nasa harapan mo na! Iaangat ni chai ang kanyang ulo at magpapanggap na may inaapuhap sa hangin. Nasan ka? Magparamdam ka, mahal kong asawa. Kung nandito ka ngayon, give me a sign 12

Kahit tutol na tutol ako dito sa marriage therapy slash social experiment slash sexual retreat for couples na pinasok natin, eto pa rin ako at nakaupo sa punyetang minimalist stool na to sa loob ng kahon ng sapatos na kinulayan ng puti para nga naman may illusion of space at mag-absorb ng putragis na positive vibes! Beats. May purpose kung bakit ganito Oh at kailan ko malalaman ang kahulugan ng lahat? Pag ready na ko? Pag patay ka na, putangina ka Mauna ka tangina mo rin 13

Mapapapikit at iiling nang mabilis si Chai. Teka! Teka! Hindi dapat ganito! Tatayo si Chai at lalakad palayo papuntang kama. Dadapa sya sa kama. Ibabaon ang ulo sa unan. Paimpit itong titili at may sasambitin na di mawari. Di kikilos si Aries. Ni hindi nya titignan si Chai. Ikaw naka-isip nito e. Inisip ko para sa atin Beats. Isang sulyap kay Chai at tatayo na rin si Aries. Tatabihan si Chai na nakadapa pa rin. MS, 2-shot ng couple. 14

Make-up sex na ba nasa utak mo? Sumagi sa isip ko yan, pero di masyado A beat. Uwi na tayo? Beats. Cut sa FS nila. Tapusin natin kahit isang araw. Sayang naman. 3 days, 2 nights ang binayaran natin Several beats. Haharap si Aries kay Chai at dadantayan ito. Babaling patalikod si Chai, subalit uurong itong paatras, para ma-spoon ang asawa. Ipapasok ni Aries ang kamay sa pang-itaas ni Chai. Sasapuin nya ang dede ni Chai. 15

Cut sa CU. Meron ako Meron ka ring bibig Masakit ngipin ko Sinabi ko bang kagatin mo? Kasama yun. Pleasure and pain. Kung ayaw mo, humanap ka ng bungal at menopausal Pwes, humanap ka ng etits na masokista Tutunog ang old school na alarm clock. Malulunod ang sasabihin ni Chai: 16

Kay Tonyo yung ex ko nung college. Pan sa alarm clock. Beats. (OS) Ano? Sino? Biglang tatayo si Chai.at lalabas ng frame. Kakalabitin ni Aries ang alam clock. Tatahimik ito. Wala! Kain na tayo, sabi ko Tonyo ang sinabi mo eh! (OS) Gutom ka na kaya nabibingi ka Gwapo naman 17

(OS, UNDER) Liit naman ng tite Ano?! Cut kay Chai. Ang liit ka ko ng table! Aanhin mo ang malaki? Aba y mas masarap pag malaki! Di nyo maiintindihang mga lalaki na pag mas malaki ang table, mas masarap kumain Di rin mas masarap ang makipot lang mas intimate, mas kabit na kabit 18

Mapipikon si Chai. Kasi nga maliit titi mo! Kaya never mong mararamdaman na masikip ang butas ko, gago! Pikon! Dyutay! Pechay! Susugurin sya ni Chai at paghahampasin ito sa mukha. Masasalag ni Aries ang karamihan nito. Putang ina mo, sinabi ko nang wag mo kong tatawaging pechay! Ano ng pangalan ko?! Ano ng pangalan ko?! 19

Chai! Chai! Lulubayan ni Chai ang asawa. Muli nitong ihahanda ang lamesa. Bilisan mo naman dyan. Ano ng pechay na? Isang plato ang biglang lilipad patungo kay Aries. Maiilagan ito ng lalaki. Cut sa black. INT. HOUSE/KITCHEN. LATER Black muna. Tutunog ang timer ng microwave oven. Fade in sa oven. Ilalabas ni Chai ang mainit na noodles sa bowl. Ilalapag nya ito sa table, sa harapan ni Aries. Lock cam kay Aries. Muling lalakad palayo si Chai, at agad din namang babalik, dala ang isang pares ng magkadikit na chopsticks. Babaliin nya ito sa harap ni Aries at ipapatong sa bowl. Muling babalik si Chai sa oven. Ano food mo? 20

(OS) Steak May steak pala e bakit instant noodles to? (OS) Eh di ko alam kung ano gusto mo. Kaya noodles. Sino ba ng may ayaw ng noodles? Ipakilala mo sa kin, sasampalin ko. Tinanong mo ba ko? Uupo si Chai sa harap ni Aries. A beat. Ikaw, ni minsan ba tinanong mo kung ano gusto ko? 21

O sige papatulan ko yang life purpose anik-anik mo. Anong gusto mo sa buhay? Steak. Saglit na matitigilan si Aries. Di na sya sasagot. Kakainin na nya ang noodles. Nakatanghod lang si Chai. Naghihintay. Ilang saglit pa, tutunog na ang timer ng oven. Di pa rin tatayo si Chai, kahit walang tigil ang tunog ng timer. O, tinatawag ka na ng universe. Claim your destiny now Beats. Ikaw ang destiny ko Ah okay back to D.I.Y. marriage therapy na ba to? Sure! Gaano mo ko kamahal? 22

Pucha, hindi sya masusukat, no Sige, i-rephrase ko. Mahal mo pa ba ko? Oo, mahal na mahal. Again, di ko masabi kung gaano in precise measurements Sige, i-estimate ko na lang kung gaano man kamahal na mahal (A beat) That s so sweet of you Ikaw, mahal mo pa ko? Sukdulan 23

Hanggang ionosphere? Hanggang langit? O hanggang kisame lang? Agnostic ako di ba? Kaya pwera ang langit. But to be fair, I ll be realistic. Pumanhik ka mamaya sa bubong at kung hanggang saan ang masilip mo sa telescope ganun kita kamahal Katahimikan. Maliban sa patuloy na pagtunog ng timer. Lalamig ang steak mo Di pa rin matitinag si Chai. Biglang tatayo si Aries. Kukunin nya ang steak at ihahain kay chai. Beats. Nainis ka lang ba sa alarm o gusto mo talaga akong hainan? Pareho 24

Salamat. Love you (Habang ngumunguya) Wab yu Ano daw? I love you Eh bakit lagi tayong nag-aaway? Kulang na lang magpatayan tayo eh. (A beat) Minsan ba gusto mo kong sakalin? Ikaw lang ang ganun. Between us, ikaw ang bayolente. 25

Di rin nakakapagpigil ka pa kasi. (A beat) Uulitin ko, gusto mo ba kong patayin? Katahimikan. I take it as a yes Hihigupin ni Aries ang sabaw nang wagas na wagas. Muling maiirita si Chai. Tititigan ni Chai ang asawa. Paulit-ulit nyang pakakalansingin ang wedding ring sa hawak nitong baso. Isalng saglit pa y tatayo si Aries at lalakad palayo. San ka punta? (OS) Lalanghap ng sariwang puke 26

Ano?!!! (OS, UNDER) Nothing, pating... EXT/INT. HOUSE SA PRAIRIE. IMM AFTER LS ng bahay. Kulay lila ang makulimlim nang langit, na pinarikit pa ng mas maraming bituin. Lalabas si Aries. Titingin sya sa malayo. Cut sa CU ni Aries. Mamamangha sya sa kulay at ambiyansa ng sunset. Cut sa LS. Lock cam. Biglang tatakbo palayo si Aries papuntang kaliwa. Mawawala sya sa screen. Isang segundo lang, eentra syang muli, mula sa kanan. Susubukan nya muling tumakas, subalit ganun pa rin ang kauuwian nya. Titigil sya sa pagtakbo, tapos ay pigil na pagsigaw at panggigigil. Hihilata na lamang sya sa lupa. Cut sa CU ni Aries. Lilingunin nya ang pinto. Bantulot syang papasok dito. 27

Mula sa pagkakahiga, pagmamasdan nya ang kulay lilang langit. ECU ni Aries. Mababanaag sa kanyang mga mata ang repleksyon ng ulap at mga bituin. Magsisimula syang umawit ng malumanay na: Atin cu pung singsing Metung yang timpucan Amana que iti Quing indung ibatan Sancan queng sininup Queng metung a caban Mewala ya iti E cu camalayan Cut sa interior. Isang bote ng beer ang nilalagok ni Chai. Didighay siya pagkatapos. Ilalapag nya sa lamesa ang bote, itutumba at paiikutin. (VO) Ing sucal ning lub cu Susucdul king banua Picurus cung gamat Babo ning lamesa Ninu mang manaquit 28

Quing singsing cung mana Calulung pusu cu Manginu ya caya... Cut sa LS ng exterior, sabay balikwas ng tayo si Aries. Muli syang babalik ng bahay. INT. HOUSE/LIVING. IMM AFTER Aktong papasok sa loob si Aries. Magugulat sya sa madadatnan. Cut sa POV ni Aries. Makikita nyang naka-upside down na ang interior. Nasa kisame ang mga furniture at gamit. Tanging si Chai na lamang ang nasa sahig at nakaupo. Nasa harap nya ang bote. Lika dito. Laro tayo. Remember this game? Lalapit si Aries at uupo sa harap ni Chai. Nasa gitna nila ang bote. Beats. Kasama ba to sa therapy? 29

Di naman. Naisip ko lang na matagal na nung huli natin itong nilaro Kelan yun? Nung gabi na madevirginize mo ko nung madenggoy mo ko Beats. Okay. (A beat) Ganun pa rin ang mechanics? Truth or bare. Kung ayaw sumagot, maghuhubad ng isang damit Paiikutin ni Chai ang bote. Tuturo ito kay Chai. Magkakatinginan sila. Beats. 30

Virgin ka ba talaga nung madevirginize kita? Aries naman, you can do better than that Beats. Ako ba ang unang nakahawak sa boobs mo? At kung hindi ako, sino? Aktong magbububad ng pang-itaas si Chai, ngunit biglang titigil. Hindi ikaw. Si Donnie Zamora, yung ex ko nung high school Si Donnie? Si Donato Zamora, yung varsity player? Ex mo yun? Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Eh nakakainuman ko yun dati ah! 31

Nayon ka lang nagtanong eh! Alangan naman mag-volunteer pa ko ng information! Biglang paiikutin ni Aries ang bote. Tatapat ito kay Aries. Pag kinakantot mo ko, si Giselle ba nasa isip mo? Sinong Giselle?! Giselle Amoranto yung crush pururot mo na asawa ng room mate mo nung college! Ang haba ng legs di ba? At tuwang tuwa ka nung malaman mo na annulled na sila! Kaya pag nakapatong ka sa akin, itinataas mo ang legs ko at iniimagine mo na mahahaba rin biyas ko! Teka, teka! Alin ba dun ang tanong mo?! Si Giselle o yung pag tinataas ko legs mo?! 32

Lahat! Magbubuhad ng pang-itaas si Aries. Lalong maiinis si Chai. Paiikutin nya ang bote. Tatapat ito kay Chai. Potaaah! Beats. Si Tonyong Bayawak na ex mo nung college Tonyo Ballesteros At pinagtatanggol mo pa Ano nga tanong mo?! 33

Si Tonyo na ex mo nung college di ba tumatambay kayo sa dorm nya sa Malate? O ngayon? Ilan beses mo syang binijay dun, para di ka nya i-penetrate? Patuyang huhubarin ni Chai ang pang-ibaba nya. Mainit Halatang nagngingitngit na si Aries. Paiikutin ni Chai ang bote. Tatapat ito kay Chai. Putik talaga Naalala ko, sabi mo kin noon nakita mo si Donnie sa hotel nung sumama ka sa company outing nyo. 34

(A beat) Did it cross your mind na posibleng mag for old time s sake kayo dun? Beats. Yes. Only because my mind is fertile and conceives all possibilities, whether remote or not. Po-pause si Chai. Nanginginig sa galit na mag-aanticipate si Aries. Pero hanggang dun lang yon, okay? Moving on Paiikutin ni Aries ang bote. Tatapat ito sa kanya. Hihinga ng malalim si Chai, sabay buga ng: Yung pokpok na Giselle na yan 35

Pokpok? Totoo naman ah! Bakit, na-offend ka? Walang bastusan ng syota, ganun?! Anu tanong mo?! Pag namatay ako at nailibing na at nagkita kayo ni Giselle after 40 days liligawan mo sya? Beats. Di agad makakasagot si Aries. Anung kinalaman ng 40 days? 40 days! I am giving you the benefit of the doubt na magbababang luksa ka muna bago ka lumandi, putangina ka! 36

Antak ng inda mo so byudo na ko? Hinde, byuda! Sagot, pakenshet! Pwes, anung masama kung manligaw ako ng iba? I have a fertile scrotum and I d love if someone would conceive my baby! (A beat) At si Giselle yon? Why not, poknat?! Singbilis ng kidlat, ipapalo ni Chai ang bote sa ulo ni Aries. Didilim ang paligid. EXT. HOUSE SA PRAIRIE. CONT. LS ng bahay. Tahimik ang kapaligiran, maliban sa kalansing ng chime. Kulay orange na ang bahay. Asul na asul ang langit. 37

INT. HOUSE. IMM AFTER Kulay dilaw na ang dingding at kisame. Nasa sahig na ang mga furniture at gamit. Pagpanning ng camera, reveal si Aries na walang malay at nakagulapay sa silya. Sa di kalayuang lamesa, nagkakape si Chai. Wala pa rin syang pang-ibaba. Nagbabasa sya ng libro. Biglang tutunog ang alarm ng oven. Magigising si Aries. Iindahin ang sakit ng ulo. Pagmamasdan ni Aries ang paligid. Wala pa sa huwisyo, pilit nyang inuunawa kung ano ang nangyari. Tatayo si Chai at kukunin ang noodles mula sa over. Ilalapag nya ito sa table. Dadamputin nya ang magkadikit pang chopsticks. CU sa chopsticks. Babaliin ito ni Chai. Matatauhan si Aries. Agad nyang susugurin si Chai. Isang suntok sa mukha ang dadapo kay Chai. Sa sobrang lakas, hahampas siya sa dingding. Babagsak ang bookshelf. Dadampot si Chai ng libro. Una nyang makukuha ang isang paperback. Magbabago ang kanyang isip at kukunin ang hard bound. Ibabalibag nya ito kay Aries. Tatamaan si Aries sa mukha. Lalatag sya sa sahig. Agad syang dadambahin ni Chai. 38

Pagsususuntukin sya ni Chai sa mukha. Titiklop si Aries at tatakpan ang mukha ng kanyang braso. Sumusuntok pa rin si Chai. Biglang tatayo si Aries. Mabubuwal si Chai. Pagtatatadyakan sya ni Aries. Maaapuhap ni Chai ang paperback. Ibabato nya ito sa ulo ni Aries. Muling matutumba si Aries. Pagapang na dudukwangin ni Chai ang teleskopyo. Ihahambalos nya ito kay Aries. Muling magdidilim ang paligid. INT/EXT. HOUSE SA PRAIRIE. LATER Black muna. Maririnig ang tunog ng alarm. CU sa alarm clock. Alas tres na. Aapuhapin ito ng kamay ni Aries. Kakalabitin nya ang alarm. Makikita si Aries ibabaw ng kama. Agad syang tatayo. Wala si Chai sa loob. Lalabas sya ng bahay. Cut sa LS ng bahay. Nasa bubong si Chai. Nakasilip sa teleskopyo. Di pa rin nya isinusuot ang pang-ibaba. Lalabas ng bahay si Aries. Chai! 39

Look up, talukap! Titingala si Aries. Tapos ka na ba?! Ikaw, tapos na?! Di pa! O eto na ko! Bring it on! Are you sure?! Nakakadalawang knock-out ka na. May 3 knockdown rule tayo! Sa tingin mo kaya, todo na ng mga suntok ko sa yo?! Warm-up pa lang yon! Bumaba ka dito, potah ka! 40

Muling sisilip sa teleskopyo si Chai. Itututok ni Chai ang teleskopyo kay Aries. Ganda ng profile. Game face ba yan? Taena ang gwapo pag galit! Lalong manlilisik ang mga mata ni Aries. Galit na galit ka, ah. Bakit? San nanggagaling yang rage mo? Sa bayag mo? Sa putang inang selos ko! Oo, nagseselos ako! Kay Donnie! Kay Tonyo! Sa nakaraan mo! Magigitla si Chai. 41

Nakaraan?! Anung nakaraan pinagsasasabi mo?! Virgin ako nung makuha mo ko, gago! Kulang pa ba yung napunit na hymen ko at dugong dumanak habang binubutas mo ko! Maiiyak si Chai. Matitigilan si Aries. Totoo, inoral ko si Tonyo! Dahil hindi ako sigurado sa kanya! Sa yo ko lang ibinigay ang pinaka-iingatan ko dahil mahal kita, hayup ka! Dahil alam kong pakakasalan mo ko! Masamang babae pa ba naman ako non?! Tanginamo! Di na sasagot si Aries. Patakbo nyang aakyatin ang bubong. Pipikit na lang si Chai at mag-aanticipate ng suntok mula sa asawa. Sa halip na umbag, isang mariin at mainit na halik ang makukuha ni Chai. Cut sa LS ng bahay. Magsisimula silang magtalik sa bubongan. Muling maglalabasan ang nga bituin sa langit, kahit maliwanag pa. CUT sa MS ng mag-asawa sa kanilang pagkakahiga. Nakapatong si Aries habang umiindayog. Itataas nya ang dalawang hita ni Chai. Pikit ang mga mata, paimpit na uungol si Chai. Ngunit sa kasawiang-palad 42

Giselle Cut sa ECU ni Chai. Mapapadilat si Chai dilat na dilat. Itutulak nya si Aries, sabay suntok sa mukha. Matutulog si Aries. Cut to: INT/EXT. HOUSE SA PRAIRIE. CONT. Palakad-lakad si Chai. Nagmamadali. Inilalagay sa bagahe ang kanyang damit. Halatang galit na galit. Ilang saglit pa, lalabas ng bahay si Chai, hila-hila ang maleta. Ibabaruka nya ang maleta sa likod ng oto. Sasakay sya at paandarin ang oto. Cut sa LS ng bahay. Lock frame. Paatras sa kanan na paandarin ang oto para magmaniobra palayo. Subalit eenter frame din ito sa kaliwang side. Muli nyang tatangkain lumayo sa bahay. Mawawala sya ng ilang saglit sa right frame, ngunit muling eentra sa left. Titigil ang oto sa mismong tapat ng bahay. 43

Cut sa interior ng oto. Mapapasigaw sa sobrang frustration si Chai. Susuntuk-suntukin nya ang manibela. Tatamaan nya ang busina. Cut kay Aries sa bubong. Magigising sya sa busina. Sisilip sya sa teleskopyo. Makikita nyang humahagulgol ng iyak si Chai. Matagal nyang pagmamasdan ang asawa. Ilang saglit pa y mahihimasmasan na si Chai. Bababa ito mula sa oto. Lalakad patungo sa swing. Sasakay sya dito. CU kay Chai. Marahan nyang ipaiindayog ang duyan. Pipikit si Chai at muling dadamhin ang hangin at katahimikan, maging ang malumanay na kalansing ng chimes. Ititigil nya ang pag-ugoy ng swing. Mula kanyang kanan, eenter si Aries at pabulong na: Tapusin na natin to, Chai. Halika sa loob Hindi sya titignan ni Chai.Lalakad pabalik ng bahay si Aries. Mag-aatubili si Chai. Mayamaya pa y tatayo na sya. INT. HOUSE SA PRAIRIE. IMM AFTER 44

Akmang papasok si Chai sa loob. Magigitla sya sa mabubungaran. Kulay orange na ang dingding at kisame. Sa gawing kanan, nakatayo si Aries katabi ng kama, hubo t hubad. Matagal na tinginan. Wala munang usapan. Anung? Tapusin na ang mga isyu nating dalawa Paano? Bijay kita? Ganun lang yun? Gago ka, Aries Tonyo! Beats. Tonyo ang itawag mo sa akin. Ngayon lang matigil lang ang fixation mo sa kanya 45

Matatameme si Chai. Eh, ang sa yo? Ngayon lang din to, Giselle. Di na mauulit pa. Ever Beats. Ever? Tuturo si Aries sa kanyang ibaba. Kahit pitpitin mo pang Biglang lulusob si Chai papunta kay Aries. Sasalubungin siya ni Aries. Magsasalpukan ang dalawa. Napaka-init na sibasib ng halikan ang magaganap. Pan camera sa alarm clock. 46

Mauulinigan natin ang madidiin na Tonyo!, Giselle!, Tang na, sarap! at Kantutin mo ko, please! Sa CU alarm clock, Alas-siyete na. Kikiriring ito nang pagkalakas-lakas. Biglang may tatamang libro dito, sabay mura ni Chai, Tang na mo ka! titigil ang pag-alarm. Dissolve to: EXT. HOUSE SA PRAIRIE. NIGHT LS ng bahay. Naghahabi ang asul at itim sa mabituing langit. Maya-maya pa y, sandosenang bulalakaw ang hahaginit. Maiilawan pansamantala ang langit. INT. HOUSE SA PRAIRIE. HOURS LATER Sa sahig, tulog na tulog ang mag-asawa. Parehong nakahubad. Nakapatong pa si Chai kay Aries. Mabagal na panning sa gawing kama, hanggang sa marating natin ang alarm clock. ECU ng alam clock. Papalo ang kamay nito pa-alas-dose. Kikiriring. Sa ikatlong nota, mapuputol ito at didilim. 47

Quick cut to: INT. DREAM ROOM. DAY ECU ni Chai sabay ng kanyang pagmulat ng kanyang mga mata. Pull out sa MS. Nakasuot ng brain scan head gear si Chai, at nakaupo sa isang modernong lazy chair. Purong itim na ang buhok ni Chai. Medyo madilim ang kwarto. Mapapansin sa likod ang isang screen. Mababasa dito ang mga salitang, Create your own world. Babaling ng tingin si Chai. Makikita natin si Aries na natutulog pa rin sa katabing upuan. May suot din na head gear si Aries. Maririnig natin ang tinig ng isang babae. BABAE (OS) Routine wake-up call lang po to, ma am. Meron pa po kayong 2 days, 1 night ni mister Di agad sasagot si Chai. 48

Bakit tulog pa sya? BABAE (OS) Ganun po talaga pag sa lalake mas matagal mag reboot Kahit naman kailan, eh. Pagputok, taon ang binibilang bago uli tayuan Huhubarin ni Chai ang kanyang head gear. Tatayo si Chai at lalakad paalis ng frame. BABAE (OS) Si sir, po? (OS) Pag nagising, pakisabi nasa coffee shop ako INT. COFFEE SHOP. SOON AFTER 49

Sa sang table, naghihintay si Chai. Maya-maya pa y ise-serve na sa kanya ang isang tasa ng kape. CU sa kung paano nya aasukalan ang kape. Swabe at precise ang pagpitik ng teaspoon sa tasa. Hahaluin ito ng tatlong ikot. Aamuyin nya ang kape at kapagdaka y hihigupin. Maghihintay siya nang matagal, sa wari y ninanamnam ang pag-iisa at animo y katahimikan sa gitna ng mga mahihinang usapan ng mga tao sa paligid. Ilang saglit pa y eentra si Aries. Uupo ito sa harap ni Chai. Wala pa ring kibuan. Lalapit ang service crew. Kape uhm Si Chai ang tatapos: Black kung wala kayong pinulbos na panutsa, brown sugar na lang, please. Thank you. E-exit ang service crew. Maiiwan ang mag-asawa na wala pa ring natitinag sa katahimikan. Maliban sa: 50

Sarap kape nila? Okay naman. Swabe ang kombinasyon ng robusta at arabika A beat. Nalalasahan mo yun? Pati ang hint ng kapeng barako, oo. Madami ka pang di alam sa akin, oo. Di na iimik si Aries. Muling eentra ang service crew. Ihahain nito ang kape at brown sugar kay Aries. Di gagalawin ni Aries ang tasa. Matutuon ang tingin ni Chai sa tasa. Kukunin niya ito at aktong lalagyan ng asukal. CU sa pagbuhos nya ng brown sugar, sa dalawang malumanay na pitik ng kutsarita sa 51

nguso ng tasa. Hahaluin nya ang kape ng dalawang ikot lamang. Paglapag ng kutsarita, patutunugin nya ang wedding ring sa tasa, at marahang itutulak ito kay Aries. Pan up kay Aries. (OS) So, okay na tayo? Beats. Hihigop ng kape si Aries. Halatang masasarapan ito. Kuha mo ang timpla ng kape ko. That stands for something. Yes, we re good. (A beat) Uuwi na ba tayo? Bakit tapos na ba? Ano pa ang gusto mong ayusin? 52

Tayo siguro tapos na pero ako hindi pa. Beats. Babalik ako sa retreat house. Ako lang. I suggest you do the same. Pumunta ka sa mundo na gusto mo. You know what the lucid dream program is capable of. Between us, ikaw ang mas creative. I m sure you can do better than my shipping container bullshit. Harapin mo ang dapat mong harapin. This time, kanya-kanya muna tayo Beats. Ano ng babalikan mo? Sa akin na lang yon. Aries, kailangan kong gawin to. Di ikaw ang ang problema, di na tayo ako na ito Cut sa 2-shot ng mag-asawa. Walang kibuan. Maya-maya pa y tatayo na si Chai. Maiiwan si Aries. 53

INT. DREAM ROOM. MOMENTS LATER Muling isusuot kay Chai ang head gear. Pipikit si Chai. EXT. HOUSE SA PRAIRIE. DAY Naglalakad si Chai sa gitna ng matataas na damo, papalapit sa bahay na gawa sa shipping ontainers. Mula dito matatanaw natin ang pigura ng isang lalaki na nakaabang sa pintuan. Ilang saglit pa y papasok ito sa loob. Susundan natin si Chai hanggang makapasok sa bahay. Iba na ang ayos ng bahay, maging ang mga muebles. Maaliwalas at conducive, ika nga. Dito y mabubungaran nya na nakaupo sa kama si TONYO nakasuot ng puting sando at beach pants. Hapis na hapis ang sando sa namumukol nitong tiyan at dibdib. Kay amo ng kanyang mukha na pinatingkad pa ng matimyas na ngiting isinalubong kay Chai. Gwapong-gwapo at pagkasarap-sarap pagmasdan ni Tonyo. Idagdag pa na may kung anong liwanag ang nagpapakislap dito. 54

Halata sa mukha ni Chai ang pagnanasa, di nya ito maitago, kulang na lang tuluan ng laway at kung anumang tutulo. Nasa harapan lamang nya ang dating nobyo, sa buo nitong kaluwalhatian. Hindi agad makakaimik si Chai. Pagmamasdan lang nya si Tonyo. Ni hindi sya makakausad ng lakad mula sa entrada. Tonyo TONYO Hello Thought balloon graphics kay Chai: YOU HAD ME AT HELLO, HAYUP KA TONYO Halika, upo ka dito. Bantulot na lalapit si Chai sa ex. Dahan-dahan itong uupo sa tabi nito. TONYO Kumusta? 55

Mabuti. Sa kung anong kadahilanan, pagmamasdan lang siya ni Tonyo. Sa wari y dinadaan ito sa makalaglag panty na pagtitig. Matagal na pagtitig. Bahagyang maaasiwa si Chai. Di rin nya alam ang sasabihin. Thought balloon graphics kay Chai: TINGIN PA LANG, WET NA KO, PAKSHET. TONYO Na-miss kita Thought balloon graphics kay Chai: ABA Y LALO NA KO, GAGO KA BA? TONYO Did you miss me at all? Beats. (Poker face) Oo naman 56

TONYO I love your hair. Bagay talaga sa yo ang maikli. Ganyan kita unang nakita. Remember nung college?... Hahawakan ni Tonyo ang buhok ni Chai. Mapapapikit si Chai. Sa wari y ninanamnam ang bawat sandali. TONYO (OS) Tinanong mo ko kung ano ang pinakagusto ko sa yo. Sabi ko, yang batok mo. Maputi at parang kaysarap halikan. Batok pa lang, ulam na. Kaysarap pagmasdan. Kaya siguro ayaw kong magpahaba ka ng buhok Magagawi ang kamay ni Tonyo sa batok ni Chai. Bahagyang makikiliti si Chai. Didilat si Chai at magugulat. Halos magkadikit na ang kanilang mukha. Biglang mapapaatras si Chai. TONYO Chai, hwag kang matakot CU kay Chai. Di sya makakasagot. 57

TONYO (OS) Tayong dalawa lang ang nandito. Sa lugar na malayo sa lahat. Walang makakarinig, walang makakaalam Bakas na bakas sa mukha nya ang matinding paghahati ng pagpayag at pagtanggi. TONYO (OS) Dito, maaari nating balikan ang dapat nangyari sa atin noon Sa sandaling bibigay na si Chai, pipikit ito nang pagkadiin-diin INT. COFFEE SHOP. MOMENTS LATER CU sa librong binabasa ni Aries, ang Rizal Without the Overcoat ni Ambeth Ocampo. Ilang saglit pa y ibababa na niya ang libro. Saglit na mag-iisip si Aries. Maya-maya pa y tatayo na si Aries. INT. DREAM ROOM. HOURS LATER Natutulog pa rin si Chai, habang pinagmamasdan sya ni Aries. Saglit pa y uupo na rin si Aries at isusuot ang head gear. 58

CU kay Aries. Ipipikit nya ang kanyang mga mata. INT. EUROPEAN HOTEL ROOM. NIGHT Sa isang mumurahing hotel room sa Berlin, makikita natin si Aries bilang si Dr. Jose Rizal sa taong 1886. Nagsusulat sya gamit ang pluma, at naiilawan ng lampara. Sa lamesa ay ang mga paraphernalia: ink, mga libro, at isang makapal na manuscript, ang Noli Me Tangere Maririnig natin ang kanyang sinusulat Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores, Querida Filipinas, oye el postrer adios. Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores, Donde la fé no mata, donde el que reyna es Dios Biglang titigil si Aries, sa wari y naubusan ng linya. Susubukan niyang bigkasin ang natitirang talata, subalit talagang wala na. Ibababa niya ang pluma at tutupiin ang papel at ipapatong ito sa ibabaw ng Noli. 59

Isusuot nya ang kanyang overcoat. Mula dito y buong kalmadong po-pose ito sa harap ng imaginary camera, may dignidad at di natitinag. Matagal siyang mananatili sa ganoong estado, buong-buo ang konsentrasyon, nang biglang may kakatok. Magugulat si Aries. Pakshet! Kakalas siya sa karakter at dagliang bubuksan ang pinto. Mula dito y mahahantad si GISELLE. Nakadamit din itong pang 1800 s, mababa ang neckline at ipit na ipit ang mapipintog na mga dibdib. Giselle Papasok ng ilang hakbang si Giselle, sabay: GISELLE For Pepe, compliments of Dr. Maximo Viola Malalaglag ang damit ni Giselle, at malalantad ang pigura nito na pinakurba pa lalo ng corset. 60

Matutulala si Aries. Maximo Viola? GISELLE Your friend arrived this morning. He wishes to tell you that I am his pasalubowng Kilig na kilig na mangingiti si Aries. Ah, que diablo! Why not? Please come in. Tuluyan nang papasok si Giselle at buong pagkamaginoong aalalayan ito ni Aries. Pwes, Señorita Giselle, may I ride you now? GISELLE By all means, señor 61

Uupo si Giselle sa kama at magsisimulang hubaran si Aries. Karsulsilyo lamang ang matitira kay Aries. Hihiga si Giselle sa kama. Pagmamasdan siya ni Aries, na halata namang gusto nang sumunggab. Marahang lalapit si Aries at papatong sa ibabaw ni Giselle. Ipapatong niya ang kanyang ulo sa pagitan ng mga dibdib ng babae, sabay bulong ng: Aquing Inang Bayan na labis kong pinananabikan GISELLE What did you say? PEPE I said, I m thirsty Mananatili lamang si Aries sa ganoong puwesto, na animo y ninanamnam ang bawat sandali sa kandungan ng pinapantasya. Hihimasin ni Giselle ang buhok ni Aries. 62

GISELLE Are you comfortable? Comfortable? Of couse not I m on the verge Kakawala si Aries sa pagkakasubsob. Marahan niyang itatas ang isang hita ni Giselle. May I? GISELLE Si, Señor Pepe Ipapatong nya ang hita sa kanyang balikat, at aktong papatungan muli ang babae. Muli niyang tititigan si Giselle, buong pagnanasang niya itong pagmamasdan, mula ulo hanggang ibaba. Subali t mananatili lang siya sa ganoong puwesto. Sa wari y ayaw niyang ituloy. GISELLE Oh, before I forget Mr. Viola wishes to inform you that he is financing your book 63

Ano kamo?! GISELLE Your friend, Maximo, is publishing your novel! Are you a writer, señor? Yes, I am. GISELLE What is the title of your novel? Noli Me Tangere GISELLE Congratulations I wish you the best of fuck Thank you 64

Mapapansin ni Giselle ang pagiging bantulot ni Aries. GISELLE Worry not, señor. It s taken care of. I m paid for. Your friend told me that this is to be expected as you are, according to him, a kuripowt whatever that means. It s not that GISELLE What is it then? Don t I look desirable to you? Putangina, you do! Beats. GISELLE You re married, aren t you? (A beat) Don t worry, no one will ever know. It s just between me and my darling Pepe 65

(A beat) Now, fuck me before your time runs out Cut to: EXT. HOUSE SA PRAIRIE. IMM AFTER LS ng bahay. Mula sa pinto, lalabas si Chai. Buong pagpipigil itong titigil sa porch. Mariing ipipikit ang mga mata, kakagatin ang labi, at pilit pakikinggan ang kalansing ng chimes. Sa kanyang likuran, lalapit si Tonyo. Buong paglalambing na yayakapin si Chai, at may akung anong ibubulong dito. Kakalas mula sa pagkakayapos si Tonyo at muling itong papasok ng bahay. Maiiwan lang si Chai. Biglang cut sa LS ng bahay. Aalingawngaw ang tili ni Chai. Mabubulabog ang mga ibon sa paligid INT. EUROPEAN HOTEL ROOM. CONT. MS nina Aries at Giselle. Isang lumalagitik na sampal ang tatama sa mukha ni Aries, sabay walk out ni Giselle GISELLE 66

Asshole! Aktong lalabas ng kwarto, makikita ni Giselle ang draft ng Noli Me Tangere sa lamesa. Agad niya itong kukunin at buong ngitngit na itatapon sa fireplace. Pabalagbag na isasara ni Giselle ang pinto sa kanyang pag-alis. Nakatingin lang ang nagulantang na si Aries, hawak-hawak ang masakit na pisngi. Pagmamasdan nya ang nasusunog na manuscript. Pakdatshit (Kay Giselle, pasigaw) Marami nyan sa National Bookstore!!! Tatayo si Aries mula sa kama, at ipupwesto ang teleskopyo sa bintana. Sisilipin nya ang mga bituin sa kalangitan. EXT. HOUSE SA PRAIRIE. LATE IN THE DAY Makikita natin ang mga bituin sa langit, kahit maliwanag pa. Sa tabi ng bahay, makikitang nakasakay si Chai sa swing. Marahan nyang ipaiindayog ang duyan. Pipikit si Chai at muling dadamhin ang hangin at katahimikan, maging ang malumanay na kalansing ng chimes. 67

INT. DREAM ROOM. HOURS AFTER Two-shot ng mag-asawa, na kapwa pa rin natutulog. Maya-maya pa y may iilaw sa pareho nilang head gear, na hudyat ng paggising ni Chai. Didilat si Chai. Muli nating maririnig ang tinig ng isang babae. BABAE (OS) Time s up na po, ma am. Gusto nyo pa pong mag-extend? Lilingunin ni Chai ang asawa. Hindi na. (A beat) Hintayin na lang natin syang magising then check out na kami BABAE (OS) Okay po, ma am Tatayo si Chai, muling maiiwan si Aries. 68

CU kay Aries, bababad sa kanyang mukha, mahahalata ang mga twitches. ECU sa kanyang mga mata, makikita ang kanyang R.E.M. EXT. CAR/PARKING LOT. HOURS LATER Fade in sa ECU ni Aries, mula sa pagmulat ng kanyang mga mata. Gagalaw ang kanyang mata at pagmamasdan ang paligid. Pull-out ang camera sa 2-shot MS ng mag-asawa. Makikitang nakasakay sila sa oto. Nasa driver s seat si Chai. Nakatigil pa ang oto. Walang kibuan. Magsisimulang umandar ang oto. Lalarga ito, subalit wala pa ring magsasalita. Walang pang gustong mag-usisa, hanggang Gaano katagal kang natulog? Mga twelve hours siguro ikaw? Mga ganun din 69

Kumusta? Beats. Sige, saka na lang natin pag-usapan. I guess we both need a break No it s okay. Pag-usapan na natin. Let s get it done and over with bago tayo makarating sa bahay. Did you follow my recommendation? Oo And? And hinarap ko ang dapat kong harapin 70

Beats. Ikaw? Ganun din Masusundan ito ng matagal na walang kibuan, hanggang Si Tonyo? Hindi Hindi si Tonyo? Hindi. Bakit, Si Giselle ba ang binalikan mo? 71

Aba syempre hinde! Saglit na katahimikan. Tapos na yun Ang alin? Ang isyu sa pagitan nina Elizabeth at Ariston Ang selosan sa pagitan nina Elizabeth at Ariston Ang mga pangalan sa pagitan nina Elizabeth at Ariston Sa huli, dalawa na lang 72

/ Sina Elizabeth at Ariston! Kakambyo si Aries. Hahawak si Chai sa kamay ni Aries. So, okay na tayo? I guess Di ka sure? Ikaw, sure ka na? Beats. Hindi rin. (A beat) Basta ang alam ko, mahal kita sagad 73

Matitigilan si Chai, at mangingiti. Cut sa LS ng kalsada. Maluwag ang kalye at swabe ang takbo ng kotse. Maririnig pa natin sina Elizabeth at Ariston. (VO) Ah ganon, so measurable na pagmamahal mo sa akin? (VO) Sabi ko lang sagad paano susukatin yon? (VO) Sagad hanggang langit? Wow! (VO) O, kala ko ba di uso sa yo ang langit? Ha, Miss Agnostic? (VO) Pakshet ka pala, eh (VO) Pakshet ka din 74

CUT TO CREDITS. 75