Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

Similar documents
PROMISE? Denise Dealo

Heads o tails? Mmm Heads! Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo. Sige!

O YUNG MGA LAGING NASA BYAHE DYAN AT LAGING INAABUTAN NG TRAFFIC AT TINAMAAN PA NG MATINDING GUTOM.

548 Heartbeats By peachxvision

Tumakbo na ako papuntang room nagmamadali na ao ng may mabangga akong babae.

Kung sa English ang meaning ng crush ay To Break, sa Tagalog naman eh PAG-HANGA. Pag-hanga sa isang

The Gorgeous Princess Met The Hottie Prince By KrixZeroEight

The rain was pouring when I saw her standing in the middle of the busy street, looking kinda lost..

-A collection of One Shot Stories- By: ThaliaDelmoro (akoctalyaxd)

I Met A Ghost. by MayGoddess

ŀanong gagawin mo kung may makilala kang hot chick? Syempre matutuwa ka. Eh paano kung baliw at kakaiba ang trip niya sa buhay? Aba! Tumakas ka na!

Wanted: SomeoneTo Love by idangs

PERFECT SHOT By: aril_daine

Gago pare. Ma-iinlove ka na lang, sa litrato pa! Daming chikas dyan oh! sabay turo sa mga bago naming classmates

The School Player This was the very first page, not where the storyline ends.

"LIAN! Para ka naman matanda kung magbuntong hininga dyan"

Love Tutorial. purpleyhan 2012 Ann L. Characters: Venice Liann Damian Roelle James Morales Ziela Angeli Wilson Ivan Vorch Raya Casimiro

They re rich, they re famous, they re glamorous and most of all everything they ve wante d nakukuha nila ng walang kahirap-hirap.

IDIOT! From Jun Haha kala ko ba Palitan mo sim mo? Nice Kahit naman Palitan mo Mahahanap pa din kita To Jun STALKER!!!! I think he's enjoying this TT_

<- Watch this video now. [Page 1 of 60]

*Disclaimer Copyright 2013 by Filipina Wattpad. All rights reserved worldwide.

You Are My First Romance

Love? Tss. I don t care bout that. Mas priority ko pa ang friendship. Ayokong may nas isirang pagkakaibigan dahil sa love love na yan.

He Said I m The Perfect Princess. Sparkloon

MAGAZINE. Kung manloloko ka, wag mo ng ituloy. Tandaan na ang mga babae kapag iniwan, gumaganda yan! at pag ang 'tanga' natuto.

TITLE: THE ARROGANT PRINCE *************** CONTENTS:

1.Choosy (Yung tipong matatagusan na siya at binigyan mo ng whisper tapos tinanggihan niya pa dahil ang gusto niya ay modess na with wings)

She's My Personal Slave. ** prologue ** For me? Love is everything, without it life is incomplete. Love is unexplainable..

ABSL Compilation Bago niyo nga pala basahin to, may mga paalala lang ako. Hindi ako romance writer. Gwapo ako. De joke lang. Trip trip lang tong

WARNING! THIS STORY CONTAINS MURAHAN AT SEXUAL CONTENT.

She's. My Personal Slave

Meron akong 3 years boyfirend that i think perfect para sakin. but instead of passionate and full of love night i saw him banging my mom!.

PAALALA.. ANG STORYANG ITO AY MAY PARTE NA DUDUMI SA UTAK NYO... PERO PWEDE NYO NG LAGPASAN :)

KULAY LILA ANG GABI NA BINUDBURAN PA NG MGA BITUIN

My Plate Malusog na Pagkain 1

How to Make Banana Cream Pie

This is an arrangement of a very famous Chinese folk song called Kang

SIMPLE, MURA AT MASUSTANSIYA. Araw-Arawin

Mababasa at Maisusulat mo rin ang Maguindanaon

Let s eat! Ka on ta!

Starter. 01 Satay (5Pic) 5.95 Marinated chicken satay served with sweet & sour peanut dipping sauce.

2015 CHRISTMAS GIFT GUIDE PH GOURMETBASKET.COM.AU GourmetBasketOz

BASIC THAI COOKING COURSE

Exchange semester: Academic year:

STYLISH CHRISTMAS GIFT GUIDE PH GOURMETBASKET.COM.AU GourmetBasketOz

Gift giving all wrapped up. spring

Siam Food Gallery APPETISERS

Appetizers. Soup. PHO PEIA PAK WOON SEN Vegetable and Glass noodle Spring Roll with Sweet Chili Sauce 105

Results SPORTident Y2Y Park-O Tournament 2018 Stage 6

NORTH KOREA POLAROIDS ERIC LAFFORGUE

Lesson 3.4 Real-World Problems: Fractions and Decimals

Soup. Starters. 1 Tom Yum: Thai famous hot and sour soup with lemon grass, fresh chillies, lime leaves and galangal

ACTIVITY KIT Y FA M. Art 2018 Sophie Blackall

Open 7 Days a Week Noon pm & 5.00pm pm (Open Bank Holidays) Telephone Orders Welcome

SUMMER 2018 CATALOGUE

APPETISER PLATTER APPETISER SUKHOTHAI PLATTER FOR 2 PERSONS AYUTTHAYA PLATTER FOR 4 PERSONS RATTANAKOSIN PLATTER FOR 6 PERSONS

Lesson 1 Problem-Solving Practice

Ye Pun - Middle Course. Tong - Soup. Hoi Sin Seafood Dishes

Vocabulary 1 Places to go

Math Concept Reader Pizza Parts!

SOUP. 2. Tom Kha (Coconut milk Hot&Sour Soup) Tradition medium Spicy & Sour soup with coconut milk, lime juice, lemon grass & kaffie leaves.

Opening Times. Lunch. Monday - Saturday 12:00-2:30pm. Dinner Monday - Friday 6:00pm - 11:00pm Saturday 6:00pm - 11:30pm Sunday 12:00pm - 10:00pm

The secret to making the perfect lasagna

Once, in a little village in the hills above Milan, there was a baker named Antonio and a very good baker he was too. He made bread for all the

CHILDREN S CAKES 6-7 THEMED 8-9 CAKES CAKES 8-9 DELUXE CAKES CAKES CELEBRATION CAKES NUMERICAL CAKES BABY S

Café Expectations. Wait patiently for your table to be called. Walk to the appropriate line. Stay at your table.

4 Food, glorious food!

SAMPLE PAGE. The History of Chocolate By: Sue Peterson. People from all over the world like the taste of

Oswegatchie School Newsletter

FEB Coyote Howl San Jon Schools. Upcoming Events:

HOUSEOFBRANDS ISLE OF CAPRI CASINOS BRAND PORTFOLIO

MONIQUE CASSELLS - REPERTOIRE

Name: Katakana Workbook

National University of Singapore Students Union Welfare Pack Survey Analysis for AY 14/15 Semester 2. Analysis for the Faculty of Science

Benjamin Hawley s Diary Chester County. Third Day. d warm finished posting for Jones. Mullen thrashing Rye.

Evaluación final 6.º EP CUADERNILLO. Competencia en comunicación lingüística en inglés: Comprensión oral y escrita - Expresión escrita

National University of Singapore Students Union Welfare Pack Survey Analysis for AY 14/15 Semester 2. Analysis for the School of Computing

Sawadee! At home, Thais will always offer a warm welcome, usually with a cool drink to. of flavours; sweet, sour, hot, salty and bitter.

Westnuk Beach Resort WEST NUK S DOBLE ANG SAYA 2015 SUMMER PROMO! This Summer, experience TWO RESORTS IN ONE EVENT. in the priced Beach of Morong!

PEKING GARDEN FINE CHINESE CUISINE

A Day Out with Mommy

1. Gai Chub Pang To 13. Goong Nang Mai 2. Pakora 14. Kanom Jeap 15. Goong Jot 3. Gai Haw Bi Tout 16. Ka Bueong Talay 4.

Look! Listen! and Learn Language!

PLEASE PRINT!! Team Name: Chief Cook Name: Phone #: Address: Mailing Address:

Dinner Menu. Open 7 days a week

Bangkok Kitchen NO CHECKS ACCEPTED. We reserve the right to refuse service to anyone. We accept Visa MasterCard. Ask about our Gift Certificates

A THAI CULINARY JOURNEY

Chicken Soup for the Soul: Devotional Stories for Wives Chicken Soup for the Soul: Devotional Stories for Women

Accommodation Information

TWO CHORD SONG WORKBOOK FOR UKULELE BEGINNERS. (Keys of C, G and F).

Today we will are talking about healthy fundraising!

EatVegetables! The Nutritionist s Advice

UBAT NE BANAR IT PALAWAN Ethnomedicine of the Palawan people of Mount Domadoway, Palawan, Philippines

You are going to make cupcakes for your friends. But you don t have any ingredients at home. You need to go to the shops for some grocery shopping.

Website Facebook Instagram

// HOST TEAM MANUAL //

Workshop on Genomics 2013

Understanding Singaporeans. Why Do the Chinese Shout Yam Seng?

101. WGN Studio Tour

Auditorium. Keynote & invited talks Long talks Parallel session A. International conference hall. Parallel session B. Lobby. Poster session Reception

Transcription:

A Miracle By Jessamine She s not your ordinary lady, And she s no normal girl. But she s everything to me... My one and only dearest miracle. *** Prologue Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko. Gusto ko lang talaga ikwento yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago. Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko. Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang tawag jan? Ayun. Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento. Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak hawak ko yung laptop at heto, nagtatype. Andito parin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung mga talulot niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga talulot niya. Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga naghihintay parin siya. Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy pero may magic, na kung tawagin niya ay himala. Bakit? Di ko rin alam eh. At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa. *** Chapter 1 [The Living Doll] Bagong lipat lang kami ng bahay. Palipat-lipat kasi kami. Nagiipon sina mama at papa para sa isang bahay. Apartment apartment lang nung una hanggang sa nakaipon. Eto, nakabili na kami ng isang napakagandang bahay sa isang napakagandang village. Nagaayos kami ng gamit, kami ng kapatid ko inuna namin yung sa kwarto namin. Sina mama at papa pinapabuhat yung mga sofa dun sa mga nagbubuhat ng mga gamit. Basta, yun na yun.

Maya maya, biglang nagring cellphone ko. Hello? Nathan! Sino to?! Tae ka ha. Hanggang ngayon ba di mo parin kilala boses ko?! Ethan to! Si Ethan yung pinaka pare ko mula pa grade school. Kasama sa trip. Kasama sa kalokohan at kawalangyaan. Halos ipagpalit na kami ng mukha ng mga taong nakakakilala sa amin. Sa pangalan pa lang, nakakalito na kaming dalawa. Nakalarga na kayo?! Oo. Nagaayos na kami ni Gerald ng gamit. 1 Punta ko jan. Sige. Andito na ko. Sabi na nga ba. Anak ka talaga ng hopia oh. Anak ako ng nanay ko. Sige sayang load ko. Lumabas ka na. Ikaw tong tumawag eh. At saka, load?! Nanay mo naman nagbabayad ng linyang yan. Sige. Baba ko na. Bumaba ako. Dinatnan kong nagaayos ng merienda si mama. Nalaman sigurong andito si Ethan. Pag labas ko, ayon, nakikipagusap kay dad. Naks tol. Ganda ng bahay ah.

Magaling lang talaga magulang ko. Tara, basketball tayo. Langya ka. Kita mong nagaayos ako ng gamit eh. Pumunta pa naman ako dito! Di ka man lang nagtext. Sinong tanga?! Ikaw. Hinayupak ka. Sige, punta lang ako kena JR. Sino yun? Taga dito din, na di mo kilala. Text ka pag tapos ka na. Punta kang basketball court pagtapos mo. Tae ka. Parang ang tagal ko na dito ah. Magbike ka. Lapit lang yun dito. Sige lis na ko tol. Tapos ginawa na namin yung apir namin. Bumalik ako ng bahay at nagayos ulit ng kwarto. Mga 4:00 na ko natapos. Naligo ako saglit tapos nagpaalam na ko kena mama na hahanapin ko yung court. Kinuha ko yung bike at umalis. Ang ganda ng village na to. Sa sobrang daming puno, sigurado akong wala akong poproblemahin sa baha at sa kung anuman. Pero may isang lugar dun sa village na to na napatigil ako. May slope, at sobrang ganda nung nakatanim na damo? Basta yun. Masarap humiga. Maraming puno ng Acacia dun sa nakita kong lugar, tapos may swing at monkey bars. Tumigil ako at pinark yung bike ko dun sa may puno. Hay. Sarap ng hangin. Tumingin ako sa langit.

Ganda ng ulap. Ano nga bang tawag dito? Cumulus Clouds? Basta yun na yun. Hindi nakakasunog ng balat yung araw. Tama lang. Eto na ata ang haven ko. Napahiga ako sa sobrang ginhawa ng nararamdaman ko. Kasabay ng paghiga ko ang pagpikit ng mga mata ko. Ang sarap alalahinin lahat ng mga nangyare mula sa pagkamulat ko hanggang sa dahilan kung bat ako nandito. Dumilat ako at WOAH!!! Nagulat ako sa nakita ko. Bawal sabihin. Pero ayun nga, sa sobrang gulat napatayo ako at napatingin sa taas. Saktong pagtingin ko sa taas BAM. Nalaglag yung tao OO. TAO. Ang sakit nung pagkabagsak niya sa kin kasi inupuan niya ko. Ako naman, akala ko eh bata lang ang bumagsak sa kin kasi magaan naman siya kahit papano. Pagkadilat ulit ng mga mata ko Isang manika. 2 Manika lang pala.

Salamat. Ah, isang nagsasalitang manika. Ngiti. Tumaas lahat ng balahibo ko. HINDI SIYA MANIKA. TOTOONG TAO SIYA. Parang nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saang lupalop ko siya nakasalubong. Nakalugay yung maitim niyang buhok sa likod niya na parang hindi siya nalaglag. Wala kang makikitang balat sa noo niya dahil takip na takip ng bangs. Ang suot niya? Isang itim na doll dress. Yung may napakalaking ribbon sa gilid na sobrang daming lace. Doll shoes din yung sapatos niya, yung pang elementary ba. Yung headband niya pang manika din. MANIKA NGA. ano ba miss! Magpapakamatay ka ba? Hindi ka naman mamamatay sa pagtalon jan eh. Mapipilay ka lang! hindi. Sinusubukan kong patuluin yung luha ko. Eh ayaw, nakabara sa mata. Kaya sinubukan kong tumalon, baka malaglag. May naramdaman ka bang basa? Ha? Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. Una sa lahat, dahil walang sense. Sinong tatalon sa puno para lang mahulog yung luha niya? Tumayo yung babae. Di ko alam kung pano sasabihin pero muka talaga siyang manika. O manikin? Ang puti puti niya. Nakikita ko na nga yung veins sa leeg niya. May ganito palang taong nageexist.

Inabot niya yung kamay niya para itayo ako. Kung tutuusin, mabait naman siya. Kung pagbabasihan ko sa pisikal na kaanyuan, tahimik siya. Hinawakan ko yung wrist niya, sasabihin ko sana na masarap naman mabuhay. Kaso pagtingin ko, ang dami niyang hiwa sa kamay. Halatang madaming beses na niya binalak magpakamatay. Akala ko ba di ka magpapakamatay? Bakit ang daming hiwa? Matakot ka naman sa Diyos. Masarap mabuhay. Hindi ako yung may gawa nung mga hiwa na yan. Isa lang yung akin dahil inutusan ako. Yung iba, hindi ako yung may gawa. Pano mo nalaman na masarap mabuhay kung di ka pa naman namamatay? Sa pananalita niya, alam kong isa siyang pessimist. At kung totoo yung sinabi niya tungkol sa mga hiwa na to, ibig sabihin masokista siya. Isa pa, nabubuhay ako kahit na patay ang turing sa kin. Miss, may kakapitan ka pa. Wag kang ganyan Sa totoo lang wala na. Meron pa. Impusible namang wala kang kaibigan Wala nga. Pamilya? Wala din siguro. Ha? Pano ka nabubuhay? Gusto mo ba malaman muna ang pangalan ko bago ka magtanong sa kin ng ganyan? Napatulala ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Hindi ko pa naitatanong yung pangalan niya. Ako si Nathan. Sorry kung Ako si Mary. Hindi ko ba alam kung mamamangha ako o matatakot sa kanya dahil sa paraan kung pano siya ngumiti.

Maliit lang yung mga labi niya pero pink na pink, yung sa manika nga. Pero ang pinakanapansin ko talaga ay yung mga mata niya. Sobrang ganda. Ang haba ng mga pilik mata niya. Kung hindi ko siya nakita ng malapitan, masasabi kong naka mascara at eyeliner siya. Sa sobrang ganda ng mga matang yun, parang pwede ka na magsalamin. Ngumiti siya ulit. 3 Sa susunod ulit Nathan. Masaya akong nakilala kita. Kumaway siya tapos ngumiti ulit. Hindi ko napansin na may hawak hawak siyang isang teddy bear. Yakap yakap niya yun habang lumalayo siya sa kin. *** Chapter 2 [Entrance] Umpisa na ang pasok, pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung araw na nakita ko yung manikang yun. Hindi ko alam. Meron sa kanya na binabagabag ako. Siguro dahil narin, psychology ang course ko kaya gusto kong tuklasin kung ano man yung nasa likod ng ganung ugali niya. Uh ang ibig kong sabihin, wala naman siyang masamang ugali pero hindi ko alam. Alam kong may mali sa kanya. Halata naman diba?

Pumasok ako sa school, first day pa lang naman ng sophomore year ko. Walang mga prof na pumasok, bad trip dahil sayang pamasahe. Hindi kami magkauniversity ni Ethan, dun siya sa kapit bahay ng school ko. Ayos lang, mayaman naman yun. Umuwi ako ng bahay na pagod. Gusto ko tuloy ulit magbakasyon. Humiga ako sa kama, binuksan yung aircon at yung laptop ko, maglalaro na lang siguro ako. Binuksan ko yung social networks ko para tingnan kung may mga message tapos saka ko binuksan yung lalaruin ko. Online pala sa Ethan kaya ayon, bumuo kami ng grupo saka naglaro. Nagimbita muna siya ng mga pwede, madami naman yun kakilala. Syempre kanya kanya kaming username. Nung naguumpisa na kami ng laro, may isa sa amin, ang username: dollface. Bigla ko tuloy naalala yung babaeng una kong nakasalamuha sa village na to. San kaya siya nakatira dito? Naalala ko bigla na socialite nga pala tong si Ethan at halos tambay na siya dito kasi nasa kabilang village lang naman siya, eh andito yung mga ibang ka-liga niya. Pagkatapos naming maglaro, pinag-online ko siya. Tol, tambay ka dito diba? O, baket? May nakita ka na bang babae dito na Sexy? Oo madami. Patapusin mo nga ako! Hindi. Babaeng mukhang manika. Manika? Oo. Isang babaeng ubod ng puti na pwede na magcamouflage sa white paint. Tapos may suot na parang pang baroque na Tae tol. Si Rebecca? Rebecca? Rebecca? Pero ang pagpapakilala niya sa kin ay Mary, di ba?

Oo. Yun yung gumagalang multo jan sa village niyo. Siya ba yung laging may hawak na teddy bear? Tatlo tawag sa kanya jan eh. Mangkukulam, the walking manikin at saka voodoo doll. Seryoso ba yung multo siya? Ewan ko. Para kasi siyang multo, pero nakikita ng lahat ng tao. Bakit daw siya ganun? Ba malay. Weirdo no. Nakita mo na siya? Oo. Daming beses na. Lagi yun nasa park. Bahay niya ata yun eh. Bat mo nga pala natanong? Naalala ko lang dahil kay dollface. Sino yun? yung kalaro natin kanina. Nakita ko kasi yung babaeng yun nung unang araw na lumipat kami. yung nagbasketball tayo? oo. Nakalimutan kong ikwento. anong sabi sayo? uh wala. Para kasing, nakita ko na siya. Di ko alam kung saan. Tsk. Siya na yan. Anong siya na yan? Yung nakatadhana sayo. Tigilan mo ko tol kung gusto mo pa mabuhay! 4 Di ko parin maisip. Alam kong nakita ko na siya hindi ko lang talaga alam kung saan.

Nung susunod na araw, may mga prof na. Kahit boring sila, at least hindi nasayang ang pamasahe ko. Pero sobrang boring nung dalawa sa apat kong prof na inattendan ngayong araw kaya kung cacalculahin, meron akong 3 hours na tulog sa oras ng pasok. Bumalik ako sa building ng college ko, titingin lang sana ng mga ahem kung sakaling may mga magagandang freshmen. Titingnan lang naman. Bumisita din ako sa org ko at ayun. Tawanan. Bumili ako sa isang malapit na cafeteria ng softdrinks at ng pagkain, panglamon sa org. Nagulat ako nung may nakita ko siya na nakaupo magisa sa may mesa. Sinong siya? Sino pa ba. Oi. Tumingin siya sa kin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Di ko maisip na makakagawa ang Diyos ng isang nilalang ng ubod ng ganda yung mga mata. Ang cute niya. Cute pero weirdo. Ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang? Nagpasa ako ng mga papers. At, oo mag-isa lang ako. Papers? Para san? Leave. Bakit ka magleleave? Leave na ano? teka. Ibig sabihin, dito ka nagaaral? Oo. Third year na dapat ako. Dito ka din pala. Ayun. Naalala ko na kung san ko siya nakita. College of music ka?

Oo. Bachelor of music major in voice-theater and dance. Pano mo nalaman? Ayun natatandaan ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung bida dun sa inattendan naming play last year dun sa isang subject ko dahil sa requirement. Kaso natulog lang ata ako dun eh. Wala na akong matandaan. Andun pa ko sa parte ng auditorium na wala kasing laki lang ng langgam yung mga mukha ng mga characters. Sabi na nga ba. Nakita kita sa isa sa mga tarpaulin dun sa may college niyo. Nagperform ka na pala. Oo. Sabi ng prof. O, e di marami ka nga kakilala bat sabi mo wala nga. Kinakausap lang ako ng mga tao pag may performance. Ate ka pala. Third year ka na. Ilang taon ka na ba? 19 pa lang ako. mas bata pala ako sayo. 17 pa lang ako. 17? Ibig sabihin, 15 years old siya nung pumasok siya ng college? Niloloko ba niya ko? Sige, aalis na ko. Teka! Ha? U uwi narin ako. Sabay na tayo. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung mga salitang yun. Hindi naman siguro masama na samahan siya, maganda din yung may kakilala sa village niyo, at maganda din yung may kakilala na parehas ng university. Kung third year na siya, dapat may alam na siyang mga subject na madaling kunin. Diba?

Nakasabay na kami pareho ng jeep. Siyempre gentleman din naman ako. Kahit na siya na ang pinakaweirdong babaeng nakilala ko, dapat maging maganda parin pakikitungo ko sa kanya. Ako na magbabayad. Salamat. Nagbayad na ako para sa aming dalawa. Magkatapat kaming dalawa, pareho kaming nasa dulo ng jeep. Pero kahit nasa iisa na kaming jeep at kahit magkatapat pa kami, hindi man lang niya ko nilingon para kausapin ako. 5 Bumaba na kami. Sasakay na sana ako ng bike ko na pinark ko dun sa may gate at sasabihin sana na gusto mong sumabay. Pero nung pagkakita ko, ang layo na niya sa kin. Grabe, ang bilis niyang maglakad. Ui! Mary! Hindi siya lumingon kaya binilisan ko yung takbo ng bike ko. May mali ba akong nasabi? Naging masama ba ako? Hindi naman sigurong masama na kilalanin ko siya diba? Gusto mo makisakay? Hindi na, maglalakad na lang ako. P pero pwede ka namang Gusto mo ba talagang pumasok sa buhay ko?

Napatigil ako. Di ko akalain na may magtatanong sa kin ng ganun. Sa totoo lang, di ko alam kung anong isasagot ko bakit nga ba ako pumasok sa buhay niya? *** Chapter 3 [Rose seeds] Ngiti. Ngumiti siya tapos naglakad na. Ako naman, napatigil lang sa sobrang hindi ko rin alam. Basta napatigil na lang ako. Bakit ko nga ba siya kinakausap? Eh pwedeng hindi naman? Bumalik ako ng bahay. Hindi ko rin alam. Ang sama sa pakiramdam na sabihan ka ng ganon. Ako na nga tong kumakausap sa kanya. Buti nga may kumakausap pa sa kanya eh! Hinintay ko mag gabi. Nagulat nga ako dahil wala pa yung mga magulang ko at yung kapatid ko. Siguro naglakwacha nanaman yun. Haynako. makapaglaro na nga lang ng DING DONG. Nagulat ako nung may nagdoorbell. Yun kaya yung bago naming katulong? Ang sabi ni dad next week pa naman dadating. Wala naman akong narinig na sasakyan kaya alam kong hindi yun sina mama. At lalong hindi yun si Gerald dahil hindi yun marunong kumatok. Dahil wala pang tao sa bahay kundi ako, siyempre ako yung bumaba para buksan yung gate. Sino kaya to? Hi.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung papapasukin ko ba siya o kung itataboy ko siya palabas. Pero, bakit ko siya itataboy o papapasukin? Uh anong ginagawa mo dito? At saka, pano mo nalaman yung bahay ko? May ibibigay lang ako sayo. At saka, nakita ko yung bike mo sa labas, kaya inakala ko na ito na ang bahay mo. Ano to? Isang kahon. Alam kong kahon to. Ang ibig kong sabihin, anong laman nito? Alam mo yung salitang bukas? Oo. Dalawa ang ibig sabihin nun. Mali. Ang sabi ko, bukas at hindi bu-kas. Napahiya ako dun, pero tama naman siya. Naramdaman kong gusto niyang buksan ko yun sa harap niya kaya binuksan ko naman yung kahon. Ano to? Alam mo yung salitang buto? Oo alam ko. Anong klaseng buto? Pinakuluang buto ng rosas. Buto ng rosas? 6

Una sa lahat, ngayon lang ako nakarinig na may buto pala ng rosas dahil ang pagkakaalam ko, grinagraft lang yun ni mama. Pangalawa, bakit niya to binibigay sa kin? Pangatlo, kung gusto niyang itanim ko to, bakit niya ko binigyan ng pinakuluang buto? Hyrbid tea rose pala. Teka bat mo ko binibigyan ng ganito? Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan kitang guluhin mo ang buhay ko, at guguluhin ko din naman ang buhay mo. Hindi ko makuha yung sinabi niya. Siyempre, siya tong lamang. Natural lang na hindi tumubo tong mga to dahil pinakuluan yung mga buto. Niloloko mo ba ko? Hindi. Eh bakit Naniniwala ka ba sa mga himala, Nathan? H ha? Bakit mo naman naitanong? Wala naman. Sige, itanim mo na yan simula ngayon, pinapayagan na kitang pumasok sa buhay ko. Ngiti. Nakita ko nanaman siyang naglalakad papalayo sa kin, samantalang ako, hawak hawak ko yung kahon na may mga pinakuluang buto ng hybrid tea rose daw. Ano namang gagawin ko dito? Sinara ko yung gate tapos pumunta ako sa likod ng bahay. Dun kasi nakatanim yung mga halaman ni mama. Nakita ko na may bakanteng lupa pa kaya dun ko na lang kinalat yung binigay niya sa kin. Pumunta ulit ako sa kama at dun, humiga ako. Hindi ko alam, ano bang mangyayare sa susunod?

Nagbuntong hininga ako. Bakit nga ba naman kasi ako pumasok ako sa buhay niya?! Yung susunod na araw, hindi ako masaydong mapakali dahil ewan ko ba. Hindi ko pa talaga naisasaloob yung mga sinasabi ng babaeng yun. Hindi ko alam kung nanakot o nakikipagkaibigan. At dahil sa hindi ako masyadong mapakali, hindi ko na mapigilang pumunta dun sa park na una kaming nagkita. Kakausapin ko lang dahil nagiging laman na siya ng utak ko. Hindi sa gusto ko siya o ano. Ayoko lang talaga na may gumagambala sa kin. Kinuha ko yung bike ko. Nung malapit na ko, dun lang ako nakatingin sa side ng park. Nakita ko, wala siya kaya inisip kong bumalik na lang ng bahay. Pagharap ko MISS TABI! Pero kahit ganon ang sinabi ko, ako parin ang tumabi. Kaya boom. Ako ang bumangga sa may sidewalk. Ano pa nga ba? Siyempre nagkasugat ako sa may tuhod. Aray ko tae. Okay ka lang ba? Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o. Salamat. Eto nanaman. Nagpapasalamat siya. Hindi ba dapat ang sinasabi niya ay sorry at hind salamat? Adik talaga tong nilalang na to. Hindi na siguro ako dapat maging mabait sa kanya kasalanan naman niya. Ikaw nga tong may kasalanan, hindi ka man lang magsorry.

Hinahanap mo ba ko, kaya ka hindi nakatingin sa daan? Boom. Tumama sa kin yun. Oo nga naman, may kasalanan din ako. Pero kahit na. Sana man lang nung sinabi kong tumabi siya, tumabi nga siya. San ka naman nakakita ng sisigaw ng miss tumabi ka na halos kalahating metro na lang ang layo niyo? Sana man lang tumingin ka sa dinadaanan mo kung may sasakyan ba o wala Pedestrian lane yung dinadaanan ko, kaya wala akong kasalanan. Yung sasakyan dapat ang maghintay para makatawid yung tao sa kabilang dulo ng kalsada. 7 Pedestrian lane? Sa isang village? Tiningnan ko, aba! Meron nga. Ang weirdo. Ngayon ko lang nakita kahit na dumaan na ko dito. Village? May pedestrian lane? Sino namang ewan ang gagawa nun diba? Ang walastik. Ganon talaga ang buhay. Minsan, hindi mo alam na may nageexist pala na ganun. Malaman yung sinabi niya. Sabagay, oo nga naman. Ni hindi ko nga akalain na may nageexist pala na tulad niya. Bumaba siya para tingnan yung sugat ko. Tapos may kinuha siya dun sa bag niya. Bulak at alcohol. Anong gagawin mo?! Gagamutin kita. Ayoko! Ayoko ng alcohol! Betadine na lang.

Tumawa siya. Eto ata ang unang beses kong nakitang tumawa siya. Natural, eto palang yung pangatlo naming pagkikita na magkakilala. Pero ewan ko ba, parang ako ata ang unang taong nakita siyang tumawa ng ganito. Bat ka nakatingin? W wala. Kung nagulat ka dahil nakita mo kong tumawa, ayos lang. Matagal narin akong hindi tumatawa. Ah ganon ba aray! Tapos hinipan niya yung sugat ko na nilagyan niya ng alcohol. Maghugas ka pagdating mo sa bahay. Eto, bandaid. Bago siya tumalikod, inabot niya yung kamay niya at tinayo niya ko sa ikalawang beses. tinayo niya din yung bike ko tapos ngumiti siya ulit. Napatulala lang ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bat siya kinakatakutan dito sa village eh isa na ata siya sa mga pinakamabait na nakasalumuha ko. Ingat ka. Dumerecho na siya dun sa swing. Ako naman, nakatingin parin sa kanya. May nakita akong mga bata na papalapit sa kanya. Nagbubulungan. Ikinagulat ko nung isa sa kanila nagbato ng isang bato. Tawa sila ng tawa tapos sumigaw yung isang batang babae ng hindi ko alam kung bakulaw o halimaw. Pero alin man sa dalawa, hindi parin magandang pakinggan.

Hoi! Tama na nga yan! Mga bata pa lang kayo nanakit na kayo! Tumatawang lumalayo yung mga bata. Ako naman lumapit sa kanya. Nagulat ako nung may tumutulong dugo sa may ulo niya. Napatakbo ako papunta sa kanya. Okay ka lang ba?! Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o. Tapos ngumiti siya. Dun ko lang napansin na yun yung eksaktong sinabi ko kanina nung nasugatan ako. Kinuha ko yung alcohol at yung bulak sa bag niya at hinanap yung sugat sa may ulo niya. *** Chapter 4 [Behind Her Smiles] Umuwi ako ng maaga para magluto. Oo. Magluto. Nagluto ako ng 2 hotdog tapos nilagay sa isang baunan. Kinuha ko yung isang yakult na babaunin sana ni Gerald para bukas. Kinuha ko yung bike ko at pumunta sa park. 8 Halos isang linggo narin kaming ganito.

Nakilala ko narin siya ng mas malapit. Nalaman ko na isang beses sa loob ng dalawang linggo, pumupunta yung mama niya sa bahay nila para magiwan ng mga groceries. Kaya pala natitiis niya ang ganong pamumuhay. O eto. Diba sabi ko sayo wag mo na ko baunan? Ayoko. Pinagalitan ka na ng mama mo kahapon at nung isang araw. Hayaan mo sila. Ayos lang naman. Mula nung sinabi mo sa kin na isang beses ka lang sa isang araw kumakain, nangako na ko na babaunan kita. Kahit man lang dalawang beses sa isang araw ka kumakain. Sinabi mo din yan kahapon. Pati yan, sinabi mo din kahapon. Tapos ngumiti siya. Ewan ko ba. Sa tuwing ngumingiti siya, pakiramdam ko ako na ang pinakamabait na tao sa buong mundo. Hindi ko rin alam kung bat ko to ginagawa. RING. Hello? Tol san ka? Bakit? Basket tayo. May ginagawa ako. Grabe naman. Nung isang linggo ganun din ah. Sige na. Pasensya ka na pero Hello, Nathan?

Nung narinig ko yung boses na yun, napatigil ako. Alam ko kung kanino yun alam na alam. Siya yung babaeng minahal ko sa nakalipas na 3 taon. O, Sam. Asan ka? Pwede ba kita puntahan? Gusto kita makita! Kasama ko si E Hello? Hello? Wala akong marinig. Nath DIAL TONE. Binaba ko na. Sa totoo lang, nagkunwari lang naman talaga ako na choppy yung kabilang linya. Ayoko siyang kausap. Naaalala ko pa yung ginawa niya sa kin nung huling beses. Sino yun? Wala. Girlfriend mo? Wala ako nun. Ikaw, nagkaboy Salamat sa pagkain ah. Naramdaman ko yung pagiwas niya sa tanong ko. Kaya, sumabay na lang ako sa gusto niyang daloy ng usapan. Oo naman. Teka, matagal ko na kasing gusto itanong to eh. Ano yun? Tinanong kasi kita sa kaibigan ko dati. At ang sabi niya Rebecca daw ang pangalan mo. Bakit ang pakilala mo sa kin eh Mary? Pag ipinaliwanag ko sayo ngayon, hindi mo na maiintindihan ang kaibahan ng tubig at apoy.

Ibig sabihin, mahabang kwento? Oo. Pinagmasdan ko siya kumain. Siguro, eto na yun. Nakunan kasi si mama dun sa huli niyang pinagbuntis. Eh babae yun. Kaya siguro siya dumating sa buhay ko. Pwede bang bumisita sa inyo? Hindi. 9 Hindi mo man lang pinagisipan. Ikaw bahala. Gusto mo ba? Oo. Tara. Inayos niya yung baunan tapos tumayo na siya. Ngumiti nanaman siya bago niya inabot yung kamay niya sa kin. Hindi ko naman akalain na ngayon nga kami pupunta. Hindi man lang ako nakapagayos para man lang pagkakita ng mga magulang niya sa kin, maayos agad. Tahimik lang kaming naglalakad. Ako, dala-dala ko yung bike at bag ko. Siya naman, dala-dala yung baunan na dinala ko para sa kanya at yung teddy bear. Tinititigan ko yung mukha niya. Hindi ba dapat nakikita niya na tumititig ako sa peripheral vision niya? Pero kung makatingin siya sa mga paa niya, parang wala na siyang ibang mundo kundi yun lang. Gusto kong malaman kung anong nangyare sa kanya. Kung saka-sakali ngang grumaduate ako bilang isang psychologist, siya ang una kong gagamutin. Andito na tayo.

Hindi ko napansin na sa dinamidami ng nasa isip ko, nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila. Nagulat ako dahil walang bahay sa street nila kundi yung kanila lang. Ito na ata ang pinakamaliit na bahay sa village na to. Ang tawag sa street na to ay forbidden street. Dahil, andito kami. Kami. Ibig sabihin, may kasama siya. Gusto mo bang pumasok? Uh o sige Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko dahil may narinig akong hagis ng isang bote. Nagulat ako, pero siya parang normal lang. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung sino yun. Binuksan niya yung gate. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang nakalock. Ganito ba talaga sila namumuhay araw-araw? Pa, andito na ko. Sa harap ko, nakakita ako ng isang hindi pang araw-araw na nakikita. Yinakap siya ng papa niya tapos iyak siya ng iyak. Pa, wag kayong umiyak sa harap ng bisita ko. Bumitaw yung papa niya sa kanya saka pinunasan yung luha niya at umiinom nanaman mula dun sa bote. Ipinunas niya yung mga kamay niya dun sa shorts niya saka hinarap sa kin. Pasensya na iho. Ako ang papa ni Mary.

Ako po si Nathan. Kaibigan po niya. Nagulat ako nung yinakap niya ko. Amoy alak siya, pero hindi ko ipinahalata na naamoy ko yun. Nakita ni Mary na nagsalubong yung kilay ko. Pa. Ay, pasensya na iho naamoy mo pa tuloy ako. Ayos lang po. Tuloy ka. Upo ka lang. Umupo naman ako dun sa sofa nila. Maliit lang yung bahay nila. Tahimik, wala man lang maririnig na kahit na ano kundi yung tunog ng electric fan. Mejo naiilang ako dahil dahil una sa lahat hindi ko alam kung pano nila natatagalan yung ganitong buhay. Kung tutuusin, pwede pa nila ayusin pero tingin ko, pinili nilang hindi. Gusto mo ng juice? Hindi sige. Ayos lang. Teka ikukuha kita. 10 Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. Iho, may sinabi na ba sayo ang anak ko? Tungkol po saan? Wala naman. Salamat talaga. Salamat talaga sayo. Bakit naman po?

Kasi Pa, itigil niyo na yan. Eto o, pasensya ka na, eto lang ang meron kami. Naghanda siya ng isang cheesecake at orange juice. Para naman hindi masayang yung ginawa niya para sa kin, kinuha ko at kinain. Naramdaman kong natuwa ang papa niya dahil ngumiti siya. Siya naman, pinagmasdan niya kong kumain. Naiilang parin ako dahil sobrang tahimik. Parang nanonood lang sila ng palabas. Gusto mong pumunta sa kwarto ko? Ayos lang. Pa, dun lang kami. Tara. Nung tumayo siya, isang signal na yun para tumayo din ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iniiwasan siyang malaman ko mula dun sa papa niya. Nirerespeto ko naman kung ano yun. Pagdating ko, maayos yung kwarto niya. Mas maayos pa kesa dun sa sala nila. Yung kama niya parang hindi hinigaan araw araw dahil maayos. Ang ayos ng kwarto mo. Ako lang naman ang pumapasok dito. Ikaw na ang sunod. Sa loob ko, masaya ko. Oo naman. Pero, ang papa ba niya, hindi pa nakakapasok? Papa mo? Hindi pa. Ah. Hindi ka ba nagtataka kung nasaan ang mama ko? Nag tataka din. Pero, hindi ko na tinanong dahil, baka personal. Pero kung gusto mo Seperado sila. Ah ganon ba.

Ayoko na magsalita. Bakit ganon? Lalo ko tuloy hindi maintindihan kung bakit sila nilalayuan ng mga tao. Hindi ba dapat, mas maraming umiintindi sa kanila ngayon? Maya-maya, nakarinig nanaman kami ng isang hampas ng bote. Teka lang, lalabas lang ako. Pagkalabas niya, tumayo ako. Sinubukan kong tumingin tingin ng mga bagay. May mga manika siya, pero ayon, center of attraction parin yung teddy bear na lagi niyang dala dala na ngayon eh nakahiga na sa kama niya. May acoustic guitar pa siya. Bukas yung cabinet niya. Pagtingin ko, sandamukal na bestidang itim, pula, puti at violet yung nakita ko. Hindi na ako magtataka kung bakit yun lagi yung suot niya. Pambahay at pangalis na niya tong lahat. Maya maya eh natapilok ako sa isang bagay na hindi ko inaasahang meron siya. Pinulot ko, binuksan at sinara. Alam kong hindi tama pero nilagay ko yun sa bag ko. Siguro sa sobrang gusto kong malaman ang buhay niya. Pasensya ka na. Ganito talaga kami. Laging pagdating mo umiiyak siya? Isang beses sa isang linggo lang umuuwi si papa. Bakit? Kumikita siya ng pera. Sa? Panghohold-up. Nagulat ako nung sinabi niya yun, pero mukhang seryoso siya. Inaasahan kong iiyak na siya pero hindi.

Hinintay ko yung susunod niyang sinabi. 11 Ilang beses ko na siya pinagsabihan, pero ayaw niyang tumigil. Pero mali. Alam ko. Pero para yun sa akin. Kaya ayaw niyang tumigil. Narinig ko yung tigil niya. Siguro nag-ipon pa siya ng lakas ng loob para sabihin yun. Narinig ko yung mahina niyang buntong hininga kaya napatingin ako sa kanya. Tara, ihahatid na kita dun sa park. Gusto ko siyang yakapin pero sino naman ako para gawin yun? Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa park. Nagbabay siya sa kin. At ang finale niya, ang mga ngiti niya. Pagkauwi ko ng bahay, nilapag ko agad yung bag ko. Kinuha ko yung nakita kong bagay sa kwarto ni Mary. Alam kong mali, pero saka na ko magkukumpisal. Bumuntong hininga ako at inumpisahang basahin. Sinabi ko na ang unang dalawang salita na nakita ko sa notebook na yun. Dear Diary. ***

Chapter 5 [Her Miserable Past] Hindi ako pumasok kinabukasan. Bakit? Ayokong makita ng mga tao na mugto yung mga mata ko. Bakit mugto yung mga mata ko? Kasalanan nung diary niya. Hindi pa ko umiyak ng ganito. Nakakainis dahil umiyak ako. Dalawang beses pa lang ako umiyak. Yung isa yung libing ng lola ko at yung isa ay yung naghiwalay kami ni Sam. Nung naghiwalay kami ni Sam at kinanchawan ako ng barkada ko, nangako na ko na di na ko iiyak. Naalala ko pa yung sinabi ni Ethan. Ano ba tol. Ikaw lang ata tong chikboy na madaling paiyakin eh. Yung barkada ko lang naman yung nakakita nun. Ngayon, napaiyak ako dahil sa diary niya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit. Dito ko napansin na, nung una pala kaming nagkita 17th birthday pala niya. Tae. 7th birthday niya. Ang tawag pa sa kanya ay Rebecca. Yung teddy bear na lagi niyang hawak, regalo sa kanya ng mama at papa niya. Pero kailangan nilang umalis para sa isang business trip. Namatay yung mga magulang niya. First. Inampon siya ng tita niya. Yung tito niya, lagi siyang binubugbog na hindi alam ng tita niya. Pag nagsumbong daw siya, papatayin daw siya. Pag dating ng tita niya at nakitang may pasa, ang sasabihin lang niya, nadapa siya. Second.

Natuklasan din ng tita niya ilang buwan pagkatapos. Pinagtanggol siya ng tita niya hanggang sa nagdesisyon sila na maghiwalay na lang sila. Iyak ng iyak yung tita niya. Yung anak naman nila, sinisisi si Mary kung bakit nangyare lahat yun. Tapos sinabi niya na ampon lang naman si Mary. Third. Nung nakumpirma nga ni Mary na ampon lang siya, nakiusap siya sa tita niya na ikwento ang lahat. Sabi niya, nakita daw siya sa airport ng tinuring niyang mama at papa na umiiyak dahil nawawala. Nakiusap si Mary sa tita niya na hanapin nila yung mga magulang niya. Nung araw na nalaman nila yung address ng tunay niyang ina sa tulong ng ilang corporation at iba pa, nagpakamatay yung anak ng tita niya dahil tingin niya mas mahal na daw nung tita niya si Mary. Pinalayas ng tita niya si Mary at sinabi na hanapin niya yung mga magulang niya mag-isa. Fourth. Pumunta siya sa address ng tunay niyang ina. Mayaman sila. Pinatuloy siya. Nung nagpa DNA test, nalaman nga na tunay na ina ni Mary na siya yung nawawala niyang anak. Yung araw na nawawala siya sa may airport ay kaka-four years old pa lang niya pala. Pero nalaman din ni Mary na seperado na pala sila ng tunay niyang ama simula nung nawala siya ng airport at may asawa na palang bago yung ina niya. Fifth. 12 Yung step father niya, katulad ng tito niya. Lagi siyang sinasaktan. Dahil magkaiba yung pangalan niya sa birth certificate, maraming pinabago. School records at iba pa. Dahil daw sa sakit ng ulo na binibigay sa kanya, yung mga pananakit na lang daw yung sukli sa lahat ng ginagawa niya. Hindi din alam ng tunay niyang ina yung ginagawa ng step father niya sa kanya. Sixth. Nung nalaman ng tunay niyang ina na sinasaktan siya ng step father, masakit man sa loob niya, nagkita ulit sila ng tunay niyang ama. Binigay niya sa kanya. Mary na ang pangalan niya. Yung tunay niyang ina, siya yung nagbibigay ng pera dun sa kanila kaya sila nagkakapera. Dito na sila nakatira 11 years old pa lang siya. Pero kaya sila nilalayuan ng tao, exconvict kasi yung tunay niyang ama. Wala siyang naging kaibigan dahil dun. Seventh.

Nung 4th year high school siya, nagkaroon siya ng boyfriend, at bestfriend. Nung birthday niya, kasabay nung 5th monthsary nila, nakita niya na naghahalikan yung boyfriend at bestfriend niya. Eighth. Pero ang pinakamasaklap kaya ako napaiyak Second year college siya, nung nalaman nila ng tatay niya na may leukemia pala siya. Ninth. Sinong hindi maiiyak sa lahat ng yon? Sa iisang tao, nangyare lahat ng bagay na yun? Kung sa pusa, nine lives, sa kanya, nine deaths. Katulad nga ng sinabi niya, hindi ako makapaniwala na may nageexist pala na ganong storya. Kaya pala siya nagpasa ng mga papeles para sa leave. Pero sa dulo ng bawat entry sa diary niya... may nakalagay: Pero hanggang ngayon di parin ako marunong umiyak. Isa nga siyang masokista. Isang taong gustung gusto masaktan. Hindi naman yun nakakapagtaka. Kinakaya niyang ngumiti, pero kahit kailan hindi pa siya umiyak. Ngayon naiintindihan ko na. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang mahulog yung mga luha sa mata niya. Dahil kahit kailan hindi pa siya umiiyak. Oo alam ko. Alam kong impusible. Pero eto, may isang taong nagpatunay sa kin na pusible pala yung mga bagay na akala ko hindi pusible. Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit ako dumating sa buhay niya yun ay para RING.

Hello? Tol. Bat mo naman binabaan si Sam nung isang araw? Sabi ko naman sayo diba, ayoko na siyang makita. Sabi niya, mahal ka pa rin niya. Napatulala ako sa sinabi Ethan. Sana matagal na niya yun sinabi. Pare, susko naman. Yung babaeng matagal mo na hinahabol ang naghahabol na ngayon sayo. Alalahanin mo nga yung mga ginawa mo para sa kanya. Hindi mo ba naisip na meron ng saysay yung mga yun? Bigla kong naisip. Tama sa Ethan. Matagal ko narin minamahal si Sam. MU kami noon, pero wala talagang relasyon kung san nakakandado kaming dalawa. Siya nga ang first kiss ko, at siya ang unang babaeng nagpabaliw sa kin. Nafall out siya sa kin, sa di ko alam na dahilan. Tol, debut na ni Sam sa susunod na linggo, sa 16. Gusto niya, maging escort ka niya. Sige pag-iisipan ko. Wag na tol. Wag mo na pag-isipan. Oo na ha? Sige babay. Teka! DIAL TONE. Nagbuntong hininga ako. Nakaisip agad ako ng lugar kung saan ko mailalabas yung stress ko. Iniwan ko yung diary niya sa may kama tapos pumunta ako sa park. Nagbike ako papunta dun, at siyempre, nakita ko nanaman siya. Mary. 13

Nathan. Umupo ako sa tabi niya, at nagswing. Tapos may binigay siya sa akin. Isang ticket, ticket ata to ng isang play, Les Miserables. Natuwa naman ako at binigyan niya ko ng ganito. Kasali ka dito? Oo. Hindi naman sa theater talaga yan. Ipapalabas lang namin sa isang school of arts. Ako si Cosette. Kakanta ka? Oo. May 2 akong kakantahin. Kailan pa kayo nag papractice? Matagal na. Ngayon lang nirelease yung tickets. Astig. Sige pupunta ako. Aasahan ko. Eto na kasi yung huling performance ko. Naisip ko na kung hindi ako magtatanong, pwede siyang magtaka. Siyempre, kailangan kong magtanong para hindi niya mahalata na alam ko na yung masaklap na katotohanang mangyayare sa kanya. Bakit? Tingin ko lang. Ngumiti siya ulit. Binuksan ko yung envelope at tiningnan. Les Miserables? Eto yung kay Victor Hugo. Nabasa ko na to. Pagtingin ko sa date, lumaki yung mata ko. Magkasabay yung debut ni Sam sa play niya. Parehong gabi. Tae. Anong gagawin ko?

May problema ba? W wala. Sabihin mo na agad kung hindi ka makakapunta, para hindi ako umasang may dadating para panuorin ako. Hindi, pupunta ako, pinapangako ko yan. Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon kaya sana makapunta ka. Hinawakan niya yung kamay ko at dun ko lang naramdaman na sobrang lambot pala ng mga kamay niya kahit ilang beses narin niya ko nahawakan. Siguro dahil eto na yung pinakamahabang pagkakahawak niya sa kin mula nung nagkakilala kami. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako. Pero iba tong kabog ng puso ko. Hindi ko sigurado, pero kinakabahan ako sa kabog na to. Awa? Siguro nga awa to. *** Chapter 6 [Discernment] Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba dapat gawin. Oo, hindi nga ako nangako kay Ethan na makakapunta sa debut ni Sam. Pero aaminin ko, may nararamdaman pa ako para sa kanya ata. Sa tuwing naiisip ko kasi yung mga alaala naming dalawa, parang gusto kong ibalik ang oras at dun na lang manatili habang buhay. Pero eto ako ngayon, nahihirapang magdesisyon kung saan nga ba ako pupunta. Buti sana kung mauulit yung play na yun. Kung mauulit yun, madali lang magdesisyon. Kaso hindi eh. Yun na yung huli niyang play. Nakadagdag pa yung huli niyang sinabi nung isang araw. Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon kaya sana makapunta ka. Tae. Nahihirapan akong magdesisyon.

Tumatakbo ang oras pero nahihirapan parin ako pumili. Nagtoss coin na ko, nakipagbato-bato pick sa kapatid ko, nagpiring pa ko. Lahat, ang lumabas, sa debut ni Sam. Pero, nagaalinlangan parin ako. Ano ba talaga Nathan. San mo ba talaga gustong pumunta? Lagi kaming nagkikita ni Mary. Ganon parin, binabaunan ko siya. Mejo nakakailang nga lang pag nawawala yung mga batang naglalaro kasi biglang tumatahimik. Pag ganon ang nangyayare, magtatanong ako sa kanya ng kahit ano saka ako magkkwento. Sa konting araw na natitira para magdesisyon ako, nakwento ko na ata sa kanya ang talambuhay ko. Siya, tahimik na nakikinig. 14 Isang araw bago ang debut ni Sam at ng play niya, siya na mismo ang tinanong ko kung anong gagawin niya pag nahihirapan siyang magdesisyon. Mary, pag nahihirapan ka magdesisyon, anong ginagawa mo? Nanghihingi ako ng milagro mula sa Taas. Tulad ng? Kunwari pinapapili ako kung cookies and cream ba o rocky road. Dahil pareho kong gusto, bibilhin ko na lang pareho. Pero pag may dumating na taong nanghingi ng isa dun sa mga binili ko, ibig sabihin, yung natira yung nakatakda para kainin ko. Astig nung sinabi niya. Pero hindi ko naman yun magagamit sa pagdedesisyon ko. Paano ako hihingi ng milagro mula sa Taas kung hindi naman to kamila-milagro? Titigil ba yung play na yun kung babagyo? Eh yung debut titigil din ba kung babagyo? Tingin ko kung babagyo, titigil pareho. Ano pang milagro ang dapat kong hilingin.

Wala na. Bahala na. Kinabukasan, nagaalinlangan parin ako sa desisyon ko. Eto ang desisyon ko. Pupunta muna ako sa debut ni Sam. Tapos, pag nagampanan ko na yung pagiging escort ko, aalis na ko at pupunta dun sa play. Sa tingin ko naman, matagal lalabas si Cosette si Mary. 30 minutes lang naman papunta dun sa school of arts na sinasabi niya. Parehong 8 pm yung play at yung debut niya. 7 pa lang nagbihis na ko. Pumunta muna ako sa bahay nina Mary. Kumatok ako pero walang sumagot, ibig sabihin, umalis na siya. Pagkatapos nun, pumunta na ko dun sa resort kung san gaganapin yung debut ni Sam. 7:45 nung nakarating na ko sa resort. Tol ang tagal mo! Sinalubong ako ni Ethan dun sa gate tapos hinatak niya ko. Nagkita kita nanaman kaming magkakabarkada sa high school. Siyempre kamustahan. Punta ka na daw sa room ni Sam. Ako lang?! Natural. Ikaw escort eh. Pumunta ako dun sa kwarto ni Sam. Nakita ko siya, naka blue na gown. Ako naman, namangha sa kagandahan niya. Pero di ko parin maalis sa isip ko yung gagawin ko para makaalis papunta dun sa play ni Mary. Naguguluhan na ko. Nathan! Yinakap ako ni Sam. Yinakap ko rin naman siya pabalik. Mejo matagal narin nung niyakap ko siya at namimiss ko narin yung ganitong mga alaala. Akala ko hindi ka na pupunta!

Wala naman akong choice eh. Ibig ba sabihin napilitan ka lang pumunta dito? Teka, ano yang nasa mukha mo? At yun. Bam. Nagpanic siya. Totoo naman eh. May puting ewan dun sa mukha niya. Pinapunas naman niya dun sa nanay niya. Oo, tumakas ako sa tanong niya. Ayoko sagutin, hindi rin naman ako sigurado sa sagot. Nagumpisa na yung debut. Konting tuksuhan dahil magkasama nanaman kaming dalawa. Akala ko sa entrance na matatapos hindi pa pala. Ano pang gagawin ko? 18 roses tol. Wag kang mag-alala. Magkasama naman May gagawin kasi ako. Anong oras ba yun?! Easy ka lang. Pagkatapos naman nung mensahe nung pamilya niya, 18 roses na. Naisip ko. Maikli lang yun. Pero nagkamali ako. May dinner pa. Konti lang kinain ko dahil naiinis na ko. Pinagpapawisan na ko sa mga nangyayare. Sana sana hindi pa tapos yung play. Kahit masabi ko man lang na humabol ako. Pagdating ng 18 roses, at nung ako na ang sumasayaw kay Sam, nagkausap kami saglit. 15 Nathan pwede ka bang magover night dito Hindi pwede. May gagawin ako. Please? Debut ko naman. Sorry Sam, nangako na ko sa isang kaibigan eh.

Naman. Bahala ka, hindi kita papakawalan. Nagulat ako sa sinabi niya. Matapos yung kanta, babalik na sana ako sa upuan ko pero hinawakan lang niya yung kamay ko ng sobrang higpit. Napatingin ako sa kanya, at ganun din naman siya. Gusto ko nang umalis. Magpupumilit sana ako pero nakita ko bigla yung lahat ng taong nandun sa okasyon na yun. ASAR. Wala na. Hindi na ako makakapunta dun sa play. Alam ko na yun. Tae naman. Sana, hindi ko na sinabing makakapunta nga ako dun. 12 am natapos yung debut. Sobrang bad trip ako. Paalis na ko nung Nathan! Sam pwede ba, may kailangan pa kong gawin! Bat ka ba galit na galit? Ano ba yung nakaligtaan mong gawin na mas importante pa sa akin?! Yung play niya. Niya?! Sino?! Aalis na ko. Teka! Hindi na ko napigilan ni Sam. Sobrang bad trip. Bad trip talaga. Alam kong wala na kong aabutan dun sa play na yun, kaya umuwi na ko ng bahay. Pagkadating ko ng bahay, 12:45 na ng umaga. Nasa gate na ko nung naisip kong puntahan siya at magsorry. Mapapatawad kaya niya ko? Gising pa kaya sila? Sana sana nga.

Kinuha ko yung bike ko. Tutal may susi naman ako ng bahay kaya ayos lang kahit bukas pa ko makauwi. Alam naman nina mama na debut yung pinuntahan ko. Ako naman, nagbike ako papunta sa kanila. May street lights naman kaya ayos lang, parang 8 lang ng gabi. Tao po! Mary? Kumatok ako at sumigaw sa harap ng bahay nila. Kaso wala talagang sumasagot. Nakabukas yung gate nila pero nakalock yung mismong pinto ng bahay nila. Wala akong choice kundi lumabas. Dun ko nakita yung tatay niya. Lasing. Dito na ko magdadasal para sa isang milagro na mapatawad sana niya ko. O, ikaw pala iho. Tito, si Mary po? Hindi mo ba kasama? Sabi niya hihintayin ka daw niya dun. Dun sa sinabi niya, nagpanic ako. Takte. Anong oras na ba at wala parin siya sa bahay nila? Tapos hinintay pa niya ko dahil akala niya darating ako takte. Lalo akong nakonsensya sa ginawa ko. Ano bang naisipan niya at ginawa niya yun? Nagmadali akong lumabas ng gate. Iniwan ko yung bike ko dun sa bike parking at nagpara ng jeep. Buti na nga lang may jeep pa. Sandali lang naman papunta dun, mga 10 minutes siguro dahil wala ng traffic. Sarado na yung gate ng school pag dating ko dun, lalo akong naguluhan kung anong gagawin ko. Tumagal ng 20 minutes ang paghahanap ko. Pero wala hindi ko man lang siya nakita sa paligid ng school. Naisip ko tuloy, baka nagkasalubong kami. Baka nga Naglakad ako na sobrang lungkot. Hindi ko nga alam kung paano siya haharapin ngayon. Unang beses kong nangako sa kanya, tapos hindi natupad. Sabi nga ni mama, ipako mo na lahat ng ipapangako mo sa isang tao, wag lang yung unang pangako mo sa kanya.

Tae. Naglakad na ko papalayo. Papara sana ako ng jeep nung may nakita akong eskinita. May dalawang lalake dun na parang pinagtritripan ang isang di ko maaninag. Tumawid ako para makita, nagulat ako nung nakita ko siya. Ang masaklap binabastos ata siya. 16 Nagulat ako sa nakita ko. Nakasandal lang siya dun sa may poste at parang hinahayaan lang niya na nakawan o kung ano mang gawin sa kanya. Sa sobrang galit ko, sumigaw ako ng sobrang lakas. Yung dalawang lalaki, napatingin sa kin. Tigilan niyo nga siya! Binato ko sila ng pinakamalaking batong nakita ko. Tumakbo naman sila papalayo. Si Mary, napaupo. Pero ang weirdo sa nakita ko, nakangiti parin siya, at ni di man lang siya umiyak o nagwala o sumigaw. Pumunta ako sa harap niya. Binigay ko yung kamay ko. Tiningnan lang niya ko ng direcho sa mata at ngumiti. Hindi ko alam pero masakit eto ang unang beses na nasaktan ako kapag nginitian ako ng isang tao siya lang siya lang ang nagparamdam sa kin ng ganito. Ano ka ba! Ni hindi ka man lang marunong lumaban! Kinuha niya yung kamay ko at tumayo siya. Pinagpag niya yung dress niya saka siya ulit tumingin sa kin ng derecho sa mata na parang walang nangyare. Pumunta ka. Akala ko hindi ka na pupunta.

Wag mong Hindi mo kailangan magalit. Ayos lang ako tingnan mo, nakangiti parin naman ako Wag ka na kasi magpanggap. Kung ayos ka lang, bakit napakalamig ng mga kamay mo?! Bakit nanginginig yung mga labi mo?! Sabihin mo nga sa kin?! Oo. halatang galit ako. San ka naman nakakita ng ganitong nilalang. Ni hindi marunong lumaban ni hindi marunong umiyak?! Pano pano ko pagagaanin ang loob ng isang taong alam kong may taning na? Ngumiti siya ulit sa kin. Kasabay ng galit ko, kumidlat. Mukhang uulan. Wag ka na magpanggap, pwede? Alam ko na lahat. Alam ko na. Alam ko na kung anong mga pinagdaanan mo mula sa kabataan mo hanggang sa ngayon. Alam kong hindi ka marunong umiyak. Alam ko! Alam ko lahat, alam kong may sakit ka. Alam kong isa kang taong naghahanap ng paraan para ilabas ang Ibig sabihin ikaw ang kumuha ng Oo! Ako. Ni hindi ka man lang nagagalit sa kin? Hindi ka man lang Hindi ako marunong Marunong ka Mary! Nagpapanggap ka lang na hindi! Nagpapanggap ka lang na masokista, pero alam mong alam mo sa sarili mo kung anong hinahanap mo. Hindi totoo yan Nathan. Kung alam ko nga Alam mo. Pero hindi mo ginagawan ng paraan para makita dahil sa tingin mo mamamatay ka na. Yun ang pinakamasakit na nasabi ko sa isang tao sa tanang buhay ko. Pero hindi ko na mapigilan. Kailangan lumabas kung ano yung nararamdaman niya kailangan. Hindi. Oo. Marunong ka umiyak, pero iniisip mo na hindi ka marunong kaya umaatras yang mga luha mo. Nasasaktan ka. Marunong kang magalit! Hindi ka masokista Mary! Alam mo sa sarili mo na Pero bago ko pa gusto sabihin ang gusto kong sabihin, biglang umulan. Malalakas na patak ng ulan. Kinuha ko yung kamay niya para sumilong. Naisip ko, kailangan ko munang isantabi to. Nung kinuha ko yung mga nanlalamig niyang mga kamay, para siyang nanigas. Hindi siya umaandar. Ayaw niyang magpahila.

Mary nababasa ta Nagulat ako nung bigla niya kong yinakap. Pero sa lakas ng impact ng yakap niya, parang naging tulak yung dapat niyang yakap kaya nawala ang balanse ko. Nahulog kami sa may basang kalsada. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya hanggang sa narinig ko yung matamis niyang hagulgol. Oo! Takot ako! Sobrang takot ako! Takot ako sa hinaharap! Takot na takot! Pero anong gagawin ko Nathan? Ano?! Sa lahat ng mga nangyare sa buhay ko, ginusto kong umiyak! Pero hindi lumabas ang mga luha ko, kahit sobrang sakit sobrang sakit! 17 Hinayaan ko lang siyang humagulgol. Pinakinggan ko lahat ng mga sasabihin niya. Sana lang, maunawaan ko lahat ng nasa isip niya sana, maramdaman ko lahat ng nasa puso niya Humagulgol pa siya ng humagulgol. Unti unti ding tumigil yung ulan. Oo, basa na kami. Pero masaya ako sa nangyare masaya ako, kahit hindi ko siya napanood sa huli niyang palabas. Napagod ata siya sa kakahagulgol. Nanginginig na kami dahil basang basa kami. Dahil wala na siyang lakas, binuhat ko siya sa likod ko. Dala dala ko yung bag namin. Buti na lang may mga taxi pa, at buti na lang may dala akong pera. Bago ko napara yung taxi, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan

Ikaw ang unang taong nagpaiyak sa kin masaya ako na ikaw yun. Tapos, nakatulog na siya. *** Chapter 7 [Between the Lines] Isang buwan na ang nakakalipas mula noon. Isang buwan narin ang nakalipas nung siya na ang naging matalik kong kaibigan. Ikaw madalas ka ba umiyak? Nagulintang ako sa tanong niya, siguro dahil hindi appropriate itanong? Hindi ko alam kung bakit. Pero natural, sinagot ko na rin. Hindi. Kailan ka umiiyak? Pag may burol? Natawa pa ako sa sinabi ko. Pero siya, nakangiti ng tahimik kaya napilitan akong itigil yung tawa ko. Nabasa ko kasi sa kanya na may sasabihin siya. Bat mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong andyan pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may chansang alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung iniiyakan mo siya na wala na talagang chansang malaman niya kung gano siya kahalaga sayo.

Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung bawat salitang sinabi niya. Sinulat ko pa yun sa kamay ko para matandaan ko. Pagkadating ko sa bahay, sinulat ko ulit sa isang sticky note. Hindi ko alam pero parang magagamit ko yun pagdating ng araw. Mas nakakausap ko siya ng madalas. Paguwi ko galing school, siya agad ang kinakausap ko. Oo, ako lagi ang nagkkwento. Pero, di bale na. Hindi nga nakukumpleto ang araw ko pag hindi ko siya nakakausap. Kahit hindi siya nagkkwento sa kin ng kahit isang katiting ng nangyare sa kanya... kahit lagi pang may nakasaksak na headphones sa tenga niya, okay lang sa kin. Kasalanan ko kung bat ko nalaman lahat ng ayaw niyang malaman ng ibang tao dahil kinuha ko yung pinakatatanging bagay na pinagtataguan niya ng lahat ng sikreto niya. Binigay ko na nga rin pala yung diary niya pagkatapos nung araw na umiyak siya sa kin. Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga huling sinabi niya nung araw na yun. Para bang, tinubuan na lang ako bigla ng pakpak. Basta ewan. Di ko maipaliwanag. Tinitigan ko ulit siya. Pero ngayon, may napansin akong kakaiba. Hindi mo dala teddy bear mo? Hindi. Bakit? May sakit siya. Pinaliguan ko kasi siya kahapon. Asan siya? Pinagpapahinga ko. Gusto mo makita? Ah hindi na. Matanong ko lang May pangalan ba yun? 18

Meron. Aki. Bakit? Tag-lagas ang ibig sabihin nun. Wow. Ang lalim. Pwede naming autumn. Kaya talaga tuwang tuwa ako sa kanya. Napangiti ako lalo nung nakita kong isubo niya yung mansanas na dala ko. Kasing puti niya si snow white na may mahabang buhok. Naisip ko lang. Ano yun? Punta ka kaya sa campus? Bakit? Uh wala lang. Para lang may mapuntahan ako pagkatapos ng class. Pero wag na pala. Baka mapagod Hindi, sige pupunta ako. 3 andun na ko. Talaga? Oo naman. Para sayo. Teka, eto. Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Alam ko naman kasing wala siyang cellphone eh. Wala siyang e-mail. Wala siyang telephone. Para saan? Text mo ko pag andun ka na. Pag tingin mo naman sa contacts yung isang number ko yung una. Pano ka? May isa pa naman ako sa bahay eh. Wag mo lang yan iwawala. Pano pag may nagtext sayo? Bayaan mo na lang siya. Uh teka.

Ano yun? May iba ka bang suot? Bukod sa itim na bestida? Dito ako kumportable Nathan. Sa tuwing ganito ang sinusuot ko, tingin ko may kayakap ako. Bat naman? Di ko rin alam. Basta ganon. Ngumiti siya sa kin, at ganon na rin naman ako. Tumayo ako para iswing siya. Nung panahon na para magpaalam na, hindi ko makakalimutan yung pipindutin ko yung ilong niya tapos saka ako magbabye. Nung susunod na araw, excited akong matapos yung mga klase ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil makikita ko siya, yung babaeng sobrang kakaiba na sa isang pitik, bigla ko na lang siyang naging matalik na kaibigan. Nagtext siya tapos ang sabi niya eh andun na daw siya. Paalis na ko ng building nung may narinig akong tumatawag sa kin mula sa likod. Paglingon ko Nathan! Sam? O, Ethan. Andito ka din. Yinakap ako ni Sam pero wala sa mood yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik tulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga alam. Tiningnan ko si Ethan ng masama, dahil alam kong siya ang may pasimuno nito. Pasensya na, nagpumilit eh. Ano ginagawa niyo dito? Punta tayong mcdo! Ayoko. May gagawin pa ko. Ano ba yang mga ginagawa mo na mas importante pa sa kin?! Ayan nanaman yung tanong niya. Sa totoo lang, parang wala na kong nararamdaman sa kanya. Lungkot na lang ata yung nararamdaman ko pag naaalala ko yung alaala naming dalawa, pero yun na lang yun.